Chapter Thirty Seven

269K 2.8K 591
                                    

 

 

 

 

Parang tuod naman si Lawrence sa pwesto nila ni Noneen ngayon. Nanunuod kasi sila sa sala at pareho silang tahimik. Walang nagsasalita. At ang mas lalong nakakailang eh yung pareho silang nakaupo sa mag kabilang dulo ng sofa. 

 

 

Taragis ano ba to. Isip ni Lawrence.

 

 

Napakamot naman si Lawrence sa ulo niya tsaka sumulyap ng konti sa asawa nakita niya itong may hawak na unan at para bang hinaharang pa nito sa mukha niya.

 

 

Parang may nasabi lang siya kung makaarte naman tong asawa niya kala mo minanyak nya. Ayan tuloy mas lalo siyang nawalan ng lakas ng loob na magsalita. Paano ba naman kasi to?"

 

 

Frustration. Frustration.

 

 

Taragis naman oh!! Isip ni Lawrence. Napapikit siya tsaka umusog sa tabi ni Noneen. Naramdaman niya ang pagkagulat ng asawa. Tiningnan niya ito sa mukha.

 

 

"Ano bang problema?" Tanong ni Lawrence. 

 

 

"W-wala.." Kinakabahang sagot ni Noneen. 

 

 

"Meron."

 

 

"W-wala nga.."

 

 

"Meron sabi."

 

 

"Wala nga eh!!" Napasigaw naman si Noneen sabay lingon kay Lawrence. Halos parang buhusan naman siya ng yelo sa kinauupan niya. Lintek lang, ang lapit kasi oh. Kinabahan tuloy siya, langya naman Lawrence wag kang ganyang gumalaw!

 

 

"Namumula ka." Biglang sabi ni Lawrence. Agad namang umiwas ng tingin si Noneen. WAG KANG GANYAN LAWRENCE BAKA SUNGGABAN KITA NG DI ORAS. Isip ni Noneen. Jusko kung alam nyo lang no.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon