Epilogue

206K 2.8K 446
  • Dedicated kay Sa lahat ng nilalang sa planet earth.
                                    

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Agad naman napatingin si Lawrence sa taas kung saan nanggaling ang boses. Napatayo siya agad sa kanyang kinuupuan at dali-daling pumunta sa kwarto kung nasaan ngayon si Noneen. Bigla naman kumabog ang dibdib nito. Nag-alala siya bigla. Baka nga naman napaano ang asawa. Alam pa naman ni Lawrence sa kondisyon nito ngayon, dapat dito ay parating binabantayan.

Bakit?

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Binuksan ni Lawrence ang pinto at tsaka nagsalita

"Nee? Anong nangyayari? Ayos ka lang? Pumutok na ba ang patu--" Napahinto naman si Lawrence sa pagsasalita ng makita niya ang asawa nakaupo sa lapag habang hawak hawak ang isang stuff toy. Napakunot naman ang noo niya. Tumingin naman sa kanya si Noneen.

"Bakit andito ka?" Tanong nito sa kanya. Napabuntong hininga naman si Lawrence.

"Narinig kasi kitang sumisigaw. Nag-alala ako akala ko naman kung ano nang nangyari sayo." Napangiti naman si Noneen. 

"Naghahalungkat kasi ako dito ng gamit hinihiwalay ko na kung ano na yung dapat natin ipamigay tapos nakita ko to oh!" Sabay taas sa isang palakang stuff toy. "Ang cute cute cute cute cute cute cuuuuuuute nya! Di ko nga matandaan kung saan to galing pero gusto kong itago tas bigay natin kay Sophia!!" Masayang sabi ni Noneen habang hinihimas-himas ang palakang stuff toy.

Napakamot naman si Lawrence sa ulo at tsaka lumapit at tumabi sa asawa.

"Nee, tapatin mo nga ako." Seryoso niyang sabi ni Lawrence. Napataas naman ang kilay ni Noneen.

"Yung totoo, buntis ka ba o malapit ka nang mabaliw?" Agad naman tiningnan ng masama ni Noneen si Lawrence. 

"Yung totoo Lawrence, yan talaga tanong mo? Binibigyan kita ng limang segundo para baguhin yang tanong mo kundi ibabaon kita sa lupa ng buhay. EH WALANGHIYA KA PALA EH!!! BAKIT NAMAN AKO MAGIGING BALIW EH SA NACUCUTE-AN LANG TALAGA AKO SA PALAKANG TO. HOY LAWRENCE WAG MO NGANG SABIHIN YAN SA AKIN TANDAAN MO DAHIL SAYO HIRAP NA HIRAP AKONG TUMAYO NGAYON TINGNAN MONG GINAWA MO SA AKIN OH PARA AKONG NAKALULON NG DALAWANG PAKWAN--" Bigla naman natahimik si Noneen sa kanyang speech ng halikan siya ng asawa. Para namang nakalimutan agad ni Noneen ang lahat at tsaka humalik pabalik dito. Agad naman pinalupot ni Noneen ang braso niya sa leeg ni Lawrence at mas lalo pang nilaliman ang halik sa asawa. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon