Chapter Twenty Nine

264K 2.8K 549
                                    

Halos hindi makagalaw si Noneen sa pwesto nya. Tama ba tong hinala nya? O msyado lang siyang assuming? Kaso...halos magkapareho ng boses eh. Napalunok ulit siya, wala naman sigurong masamang magtanong di ba?



"Lawrence ikaw ba yan?" Mahinahon niyang tanong dito habang nakatingin siya sa mata nito. Nakita niyang umirap ito tsaka napabuntong hininga. Teka wait...on the second thought..paano magiging si Lawrence to eh di ba hindi naman daw siya aattend??? Anak ng starfish ang gulo naman! >o<



"Sino ka ba kasi?" Tanong ulit ni Noneen sa lalaki. Pero nakatingin lang ito sa kanya. Grabe, ba't ba kasi pumayag siyang isayaw nito? Napakasilent type naman nito. Feeling ni Noneen matutuyo laway niya sa kakatanong sa lalaking to eh. Nakatingin lang sila sa isa't isa ng biglang pumasok sa isip ni Noneen yung package kaninang umaga.



"T-teka! I-ikaw ba yung nagpadala ng package sa akin kaninang umaga?" Tanong niya dito. Nakita niyang ngumiti ang lalaki tsaka hinila siya papalapit sa kanya.



“Ikaw si A?!” Tanong ni Noneen. Tumango naman ang lalaki. Tsaka siya inikot nito. Napaisip si Noneen. Sinong A?



“Eh anong ibig sabihin ng A? Teka, kaklase ba kita o ano?” Pero ngumiti lang ulit ang lalaki. Nak ng putcha tong lalaking to. Puro ngiti ang ginawa!



“Teka nga..mamaya ikaw si Ralph sasapakin kita seryoso ako.” Nakita naman niyang nawala ang ngiti sa labi ng lalaki. Arghhh!! Nakakabaliw naman ano ba to pinoy henyo at kelangan niyang manghula kung sino tong lalaking to ha?



“Pipi ka ba ha at ayaw mong magsalita? Hindi naman ako—“Halos parang tumigil ang mundo nung bigla siyang halikan ng lalaking hindi niya kilala. Nanlaki ang mga mata niya, what the hell is happening? Pero sa di malamang dahilan napapikit siya at hinalikan pabalik ang lalaki. Ewan ba niya, feeling niya. Gusto niya yung halik na yun.



Isang parte ng isip ni Noneen ang nagsasabing gusto niyang itulak ang lalaking to dahil hindi naman talaga niya kilala kung sino to pero tila baa yaw sumunod ng katawan niya. Para ba kasing sa likod ng utak niya may nagsasabing gusto ko to.



We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon