Special Chapter 9 (The First Conversation)

85.6K 1K 70
                                    

"Kuya please wag mo 'kong iwan dito." Pagmamakaawa ni Noneen habang hawak-hawak ang braso ng kapatid. Ang bilis ng pangyayari, parang kelan lang normal pa ang buhay niya tapos ngayon. Napayuko naman ang kapatid niya at napabuntong-hininga. Akala nyo ba madaling mang-iwan ng kapatid sa lalaking noong nakaraang linggo mo lang nakilala?

"Please kuya, please. Ayoko dito, isama mo na lang ako kung saan ka pupunta." 

"Noneen, di ko 'to gusto alam mo naman 'yon di ba?" Sabi nito. Napayuko na lang si noneen at napabitaw sa pagkakahawak sa braso ng kapatid. Naiiyak siya, sa murang edad niya ganito na agad? Eh sa ngayon pa nga lang nagsisimula ang pagkatao niya eh.

Parang noong nakaraang linggo may humarang sa kanya sa pagpasok sa eskwelahan at dinala siya sa isang mansyon para sabihin na pupunta sila sa ibang bansa at ikakasal na siya sa lalaking hindi pa niya kilala. Noong una ayaw niyang maniwala pero nang makita niya ang kasulatan na ginawa ng nanay niya halos gumuho ang mundo niya. 

Pinangbayad-utang siya nito.

At ngayon nagmamakaawa siya sa kapatid niyang kunin siya. Sa totoo lang, mukha namang hindi interesado ang lalaki sa kanya at walang balak seryosohin kung ano man ang nangyari. Iniisip nga niya na miske mawala siya ngayon ayos lang sa lalaking yon. Hindi pa nga niya alam kung ano pangalan nito.

"Kuya please, natatakot ako." Mahinang sabi nito. Pero wala talagang magagawa si Gabby, ang kapatid nito. Kelangan nilang bayaran eh, lubog na lubog na sila. At tsaka inalok rin siya ng trabaho sa ibang bansa. Gusto niyang tumanggi, kaso kung gagawin man niya. Anong ipangtutustos nila sa araw-araw? Nahuli na nga si Noneen sa pag-aaral dahil dito. Hindi na niya kaya pang paghintuin ito. 

Hinila ni Gabby si Noneen at niyakap. "Wag kang mag-alala, kinausap ko na si Lawrence. Hinding-hindi ka niya pababayaan alam niya yon. Dahil sinabihan ko siya na pag di ka tinrato ng mabuti babaon ko siya ng buhay. Tatawag naman ako sa'yo eh. Hindi talaga kita pababayaan miske nasa ibang bansa na ako." Sabi nito.

"Pero kuya..."

Kumalas si Gabby sa pagkakayakap sa kapatid at hinawakan ito sa balikat. Ngumiti ito at tsaka nagsalita. 

"Isipin mo na lang ginagawa mo 'to dahil ikaw ang daddy's girl. Alam kong mahal na mahal mo si Papa." Ngumiti ng marahan si Noneen. "At mahal na mahal ka rin niya, mahal na mahal tayo non. Madaya nga lang, nauna agad sa taas." Sabi nito. Hindi na nagsalita si Noneen, may punto ang kapatid niya. Para kay papa, sige magtitiis siya.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon