Chapter Ten- Continuation

314K 3.3K 324
                                    

"AY ANAK NG CHURVA!" Napasigaw si Noneen sa biglang pagsasalita ni Lawrence. Napatalon sya at napakahawak sa kanyang dibdib. Nagulat sya, paano naman kasi ang tahi-tahimik tapos andun lang pala si Lawrence sa likod niya.



Anak ng tukeneng ka naman Lawrence. Isip niya. Napalingon sya dito. Nakita niyang nakatingin lang sa kanya ito ng may blankong mukha.



"Nahawa ka na sa kaibigan mo." Umiling ito tsaka sya inirapan. Lumakad ito at binuksan ang pinto. Hmp, ang sungit. Isip nito habang nakatayo pa rin sa labas.



"Tsk. Grabe ka Rhian, pati ako naimimpluwensyahan!" Bulong niya sa sarili tsaka sya pumasok. Sinara niya ang pinto nakita niyang patuloy lang si Lawrence maglakad. Nagsalita si Manang pero hindi man lang ito sumagot. Badtrip nanaman.



Ugh ang ugali talaga nung gurang na to. -_______-



Nilapitan niya si Manang.



"Oh anong nangyari dun?" Tanong nito sa kanya. Umupo sya sa upuan malapit sa counter tsaka ngumiti kay Manang.



"Wag nyo na lang pong pansinin as always may--"



*BLAG*



Napatigil si Noneen sa pagsasalita nung may narinig silang malakas na pagsara ng pinto. Paereho sila ni Manang na napatingin sa taas. Sino pa ba pwedeng gumawa nun? Napabuntong hininga si Noneen. Lakas namang magdabog.



"Nag-away ba kayo?" Tanong ni Manang sa kanya. Napalunok sya. Away? Hindi naman sila nagsisigawan o kahit ano. Cold war siguro.



"Galit po sa akin." Bulong ni Noneen tsaka ito yumuko. Di sya sanay ng ganito sila ni Lawrence. Feeling nya kasi nakokonsensya sya. Pero bakit nga ba sya makokonsensya? Magkaibigan lang sila di ba? Isa pa, bakit siya makokonsensya eh kung itong asawa nga nya, nakikipaglandian sa likod niya. 



"Bakit naman nagalit sayo si Lawrence? May ginawa ka nanaman bang hindi niya gusto?" Hindi nya gusto? Napakagat ng labi si Noneen. Bakit lahat ba dapat ng ginagawa niya magustuhan ni Lawrence? Parang siya nga nagtitiis sa napakabipolar na ugali ni Lawrence.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon