Chapter Twenty One

294K 2.7K 343
                                    

"So kamusta naman ba ang studies mo hmm, Noneen?" Tanong ng lolo ni Lawrence kay Noneen. Tumingin naman ito sa kanya tsaka ngumiti. 



"Ayos lang naman po." Sagot ni Noneen tsaka tinuloy ang pagkain. Lumingon ang matanda sa pintuan tsaka napabuntong hininga. Di na lang ito pinansin ni Lawrence, alam naman niya kasi kung bakit. At nagpapasalamat nga siya hindi dumating yung taong hinihintay ng lolo niya. Si Noneen naman nagtataka, ilang beses na niya kasing nakikitang tingin ng tingin ang lolo ni Lawrence sa pintuan. Sino ba kasi ang hinihintay nya? Isip ni Noneen.



Importanteng tao ba?



"Siguro talagang hindi na siya darating. Tsk, sayang naman nagpaluto pa naman ako ng maraming pagkain. pati ang pabori--"



"Lo, hindi na siya darating. Kumain na lang tayo." Seryosong sabi ni Lawrence. Napalingon naman ang asawa niya sa kanya. Ayan nanaman ang mood swings nito. Bilis magbago ng aura, mukhang badtrip nanaman. Isip ni Noneen.



"S-sinong hindi darating? May bisita ba kayo lo?" Inosenteng tanong ni Noneen. Nakita naman niyang dumiretso ang kilay ng asawa. Senyales na wala ito sa mood. Sabagay parati naman.



"Oo, etong kapatid ni Lawrence. Si Py." Sagot ng lolo ni Lawrence. Napakunot ang noo nya. May kapatid si Lawrence? Isip ni Noneen. Teka, wala ata siyang alam dito. Sino si Py?



"Py?" Ulit ni Noneen. Tumango naman ang lolo ni Lawrence tsaka ngumiti. 



"Oo si Py, yung nakababatang kapa--"



"Wala kong kapatid lolo. Excuse me." Nakita niyang tumayo si Lawrence tsaka umalis sa dining area. Nanlaki naman ang mga mata ni Noneen. Ano ba talagang nangyayari ha? May kapatid ba talaga tong asawa niya o wala? Ang gulo naman grabe.



Narinig nyang napabuntong hininga ang matanda tsaka umiling. Ano ba talaga kasing nangyayari aber? 



"Kahit kelan talaga tong si Lawrence." Narinig niyang bulong ng lolo ni Lawrence.



"Pagpasensyahan nyo na po lo, mukhang wala lang sa mood." Sabi ni Noneen tsaka pilit na ngumiti. Tumingin sa kanya ang matanda.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon