Chapter Five

364K 4K 662
                                    

"Alam mo, kanina ka pa lakad na lakad. Ano bang problema mo ha?" Tanong ni Lawrence sa babaeng kanina pa lakad-balik sa harapan niya. Kanina pa niya ito tinitingnan at siya mismo ay nahihilo na sa ginagawa nito.

Sinundan niya ito ng tingin. Wala pa rin tigil ito sa paglalakad at tila ba napalaki ng problema niya. Di kasi mapinta ang pagmumukha ni Noneen. He sighed; kanina pa rin kasi sya salita ng salita pero tila walang naririnig si Noneen. Hindi kasi siya nito pinapansin.

Ang laki laki naman kasi ng problema ni Noneen. Hanggang ngayon hindi mapanatag ang loob niya. Alam na ba ni Ralph? Pinagsabi kaya niya ito sa iba? Nakita ba niya yung picture? Lagot siya kay Lawrence nito. Isa pa, hindi niya rin alam kung sasabihin ba niya kay Lawrence o hindi. Natatakot sya na baka magalit ito sa kanya.

 

 

 

Malamang magagalit! Reckless ka kasing babae ka eh!!! Isip nito sa sarili.

"Nee pwede bang huminto ka miske isang segundo lang? Hindi ka ba napapagod o nahihilo man lang?" Pero walang reaksyon si Noneen. Patuloy lang siya sa paglalakad, napakamot ng ulo si Lawrence. alam niyang may mali at alam niyang mabigat ang problema ni Noneen. Sa dalawang taong kasal sila at nagsasama, kabisado na niya ito.

Minsan kasi siya ang takbuhan ni Noneen pag may problema ito. At siya naman itong nagcocomfort sa kanya. Kung baga tinuturing niya si Noneen bilang isang little sister. Pero ayaw man nyang aminin may mga pagkakataon na..

mas higit pa rito ang nararamdaman niya.

Naubusan na ng pasensya si Lawrence. Tumayo ito at tsaka hinawakan si Noneen sa balikat.

"Noneen Jaizel Evangelista Alcantara." Dugdugdug. Ang bilis ng tibok ng puso ni Noneen ngayon. Kabado siya, kabadong kabado na halos kulang na lang ata ay sumabog sya sa kinatatayuan niya.

"Y-yes?" Nauutak na sagot ni Noneen.

"Breathe." Utos ni Lawrence. Sinunod naman niya ito. "Inhale, exhale...inhale..exhale. Now, relax." Medyo nakalma si Noneen pagkatapos nun.

"Now tell me, what is it that is bothering you? May problema ka ba?" Oh no! Sasabihin ko ba sa kanya? Tiningnan niya si Lawrence. Away nanaman to eh kung sakaling sasabihin niya. Siya nanaman ang may kasalanan. At ayaw na niya ng ganun, minsan na nga lang sila maging ganito ka payapa ni Lawrence eh.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon