Chapter Forty Seven Prt 2.

211K 2.6K 466
                                    

“Ganda ng mood natin ngayon ha.” Bati ni Noneen, ngumiti naman si Ralph. Kaines to no, bakit ka ba nagkaroon pa ng dimples sumobra ka naman sa cute tuloy pag ngumingiti.

“Halata ba?” Tanong ni Ralph tsaka tumawa ng mahina.

“Ay hindi jinojoke lang kita, bakit ka nga naman ngingiti eh parati kang bad mood.” Sarcastic na sabi ni Noneen. Tiningnan naman sya ni Ralph.

“Excuse me?? Di naman ako parating bad mood ha.” Giit nito. Napailing naman si Noneen habang nakangiti.

“Excuse me?? Eh ikaw nga to pag naglalakad sa corridor parating magkasalubong ang kilay at para bang may usok effects na lumalabas sa tenga mo.” Natawa naman si Ralph sa sinabi ni Noneen. “Kung nakakamatay nga lang yung tingin namatay na lahat ng dinadaanan mo eh.”

“Hahaha, di ako bad mood. Wala lang talaga ako sa mood minsan, alam mo na nagbibinata.”

“Ano?” Natawa sila pareho. Natuwa naman si Noneen na nakakapagusap na sila ni Ralph ng ganito. Nung nakakaraang araw kasi di niya ito nakikita eh, akala pa naman niya nagdaramdam sa kanya. Pansin nga din niyang para bang ang gaan ng paligid. Para bang walang problema.

Wala nga ba?

Bigla silang natahimik pagkatapos non, tumingin si Noneen sa bintana. Eto kasi yung mga moments na medyo awkward na parang di naman na di mo malaman.

“Kamusta ka na?” Biglang nagsalita si Ralph. Napatingin naman siya dito. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Isip niya. Di malaman ni Noneen, parang kahit papaano iniiwasan niya yung sobrang seryosong usapan kasma si Ralph.

Para kasing hindi pa ito yung tamang panahon.

Hindi nga ba?

“Kamusta na…kayo?” Medyo hininaan ni Ralph ang boses niya. Alam naman nilang sila sila pa lang nakakaalam nito.

“Ayos naman. Ganun pa rin, as always.” Medyo naging sweet nga lang yung kuya mo bigla. Napatingin naman si Noneen sa mga kamay niya. Ugh, dapat ba nyang tanong? Eh wala naman syang gusto kundi magkaayos yung dalawa eh.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon