Chapter Eleven

316K 3.3K 278
                                    

I dedicate this to ate na nasa China ngayon. Charot. hehe, nag PM kasi sya sa akin eh :)

---

"Babawi ako." Bulong ni Ralph. Tinitingnan nya ang litrato ng kanyang ina habang nakaupo sa kanyang kama.



"Babawi ako para sa inyo." Malamig na sabi ni Ralph. Hindi maipapaliwanag ng salita ang galit na nararamdaman niya sa puso niya. Hindi niya ito ginusto kaso isip naman niya, hindi siya pwedeng magpa-api habang buhay.



Kelangan nyang lumaban.



Biglang may narinig syang katok mula sa pintuan. Napatingin sya, bigla nyang binaba ang litrato ng ina at tsaka binuksan ng pinto. Napangiti siya, hindi na sya magugulat kung makikita niya ang taong ito sa harap ng pintuan nya.



He expected it already.



"Kuya, mukha atang naligaw ka?" Pabirong tanong ni Ralph. Seryoso ang mukha ng kapatid niya na nakatingin lang sa kanya. "Pasok ka?" Alok pa ni Ralph. Alam nya kasing mas lalong mabwibwisit ang kapatid niya. Tiningnan lang siya nito. Ngumiti sya lalo, sa totoo lang gusto na nyang patayin tong tao sa harap niya dahil sa galit pero nga naman, pag pinatay niya ito. Mapapabilis ang paghihirap niya. 



Seems unfair.



Pero laking gulat niya ng pumasok si Lawrence sa loob at umupo sa sofa na para bang sariling bahay pa niya ito.



"Dad gave you a very nice place to stay. Buti naman naalagaan mo kahit papaano." Sabi ni Lawrence habang tumitingin sa paligid. Napatawa ng mahina si Ralph tsaka niya sinara ang pinto.



Talagang sinusubukan mo ko.



"Naman, hindi naman ako burara katulad ng ibang tao dyan." Sagot niya sa katapid. Pumunta ito sa ref tsaka kumuha ng dalawang beer. Sige plastican lang tayo dito. Isip ni Ralph.



Napatingin si Lawrence sa kapatid. Hmm, palaban ka ha. Isip ni Lawrence.



"Burara?" Tanong ni Lawrence. Ngumiti si Ralph.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Where stories live. Discover now