Chapter Fifty Two

193K 2.6K 530
                                    

“Sigurado ka ba dyan?”

“Oo.” Mahinang sagot ni Lawrence habang nakatanaw sa malayo. Napatingin si Ralph sa kanya. Nasa gilid kasi sila ng isang hindi msyadong nadadaanang highway yung may bangin, doon nakapark ang kotse ni Lawrence. Nakaupo sila ngayon sa hood nito. Tinext kasi siya ni Lawrence kanina. Magkita daw sila dito.

“Sa tingin mo ba yan ang pinakamagandang desisyon? Hindi mo ba naiisip nab aka pagkakamali yang gagawin mo?” Seryosong tanongni Ralph. Hindi niya kasi akalaing sinasabi niya ang mga katagang ito, parang ang di niya pagakalang may posibilidad pa lang humingi ng tulong sa kanya ang isang taong ayaw na ayaw sa kanya.

Akalain mo nga naman ang panahon.

Napalunok si Lawrence. Sa totoo lang di rin niya alam kung tama ba tong gagawin niya. Ito lang yung naiisip niyang pinakamagandang—hindi, pinakakapani-paniwalang paraan; para matapos na tong lahat.

“Pinaglalaruan ka lang niya…kayo.” Dagdag pa ni Ralph.

“Alam ko.” Sagot ni Lawrence.

“Kaso…” Sabi ni Ralph.

“Kaso may hawak siya. May hawak siya laban sa akin…laban sa amin.” Napayuko si Lawrence. “Noneen doesn’t deserve this.” Dagdag niya.

“She deserves a free life, for God’s sake she’s only 17. She’s too young to be involved with the bullshit of my life.” Natatawang sabi ni Lawrence habang napapailing. Totoo nga naman, sa edad ni Noneen dapat hindi niya muna nararasan yung mga bagay na nangyayari ngayon.

“So you are really going through with this huh?” Tanong ni Ralph.

“I need to…I have to.” Nanghihinang sagot ni Lawrence.

“Alam mong maraming pwedeng mangyari pag tinuloy mo yung balak mo. I might go ahead and steal her from you.” Nangingiting sabi ni Ralph. Pabiro lang naman niya sinabi ito, pero nga naman, sya pa rin si Ralph De Guzman. Masisisi mo ba sya?

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon