Special Chapter 2 (Daryl and Yla)

108K 1.6K 304
                                    

“Because sometimes people who seem good end up being not as good as you might have hoped.” ―Jonathan Safran Foer

Halos di malaman ni Yla ang gagawin. Pinilit niyang mawala sa isipan niya ang nakita niya sa canteen ng ospital kanina pero wala, halos paulit-ulit yung scenario sa utak niya. Yung ngiti ni Daryl habang nakatingin sa mentor niya. Napapikit siya at tsaka tinapon ang tissue. Kanina pa siya iyak ng iyak, di niya mapigilan eh. Ang sakit.

Ang sakit sakit.

Para kasing wala na talagang pag-asa. Ano nga naman ba ang laban niya sa isang babaeng katulad niya? Wala, walang-wala. 

"Yla tama na." Sabi nito sa sarili habang patuloy ang pag-iyak. Oo nga Yla tama na, nagsasayang ka lang ng emosyon at ng oras.

Ramdam niya kasi na para siyang pinaasa sa sinabi nito sampung taon na ang nakakaraan. Bakit nga naman ba kelangan pa niyang sabihin na "I'll just see you around when you're ready enough?" Dapat straight to the point niya na lang sinabing wala talagang pag-asa. 

Ang immature mo kasi dati.

"Ughhhh, Yla please tama na! Tama na! Ang tanga tanga mo! Tama na please." Sabi nito sa bawat hikbi habang pinapalo ang teddy bear sa tabi niya. Pinunasan niya ang pisngi na basang-basa ng luha. 

"May iba na siya, tama na."

"Hoy bakit ganyan yang mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ni Gil sa kaibigan habang nasa office sila ngayon. Naghahanda na kasi sila dahil konting minuto na lang ay makikilala na nila ang doktor na magiging mentor o supervisor nila for the whole month. Ayaw na ngang isipin ni Yla na may pag-asa na si Daryl ang matapat sa kanya. Pagod na pagod na siya kagabi, ayaw na niyang mag-aksaya pa ng lakas. 

"Ah, eto? Nanuod kasi ako ng Moment to Remember, di ko napigilan eh. Anong oras pa naman yon kagabi o kaninang umaga." Pagsisinungaling nito. Napatango naman si Gil at tsaka ngumiti habang inaayos ang lab coat.

"Gosh friend, can you believe it? Eto na oh, slaves na tayo kaso ang sarap rin sa feeling pre-doctors na tayo!" Sabay tawa nito. "Sino kaya magiging supervisor natin no? Tsaka magkasama kaya tayo?" Masayang sabi ni Gil habang nakatingin sa kaibigan. Nakita naman niyang nakatingin lang ito sa pintuan parang may malalim na iniisip. Napakunot naman ang noo ni Gil. Kilala niya tong babae na ito, miske konting-konti lang ito mag-open tungkol sa buhay niya. Alam na alam naman niya kung may gumugulo sa isipan at damdamin nito.

"Uhm, hello? Asan na yung kausap ko? Nag-evaporate? Tas naging clouds? Hello?" Sarcastic na sabi ni Gil pero hindi natinag si Yla talagang nakatingin lang ito sa pinto. Napabuntong-hininga naman si Gil at tsaka napailing. Ilang minuto rin ang lumipas at bumukas ang pinto at pumasok na si Dr. Suarez. 

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon