Chapter Seven

345K 3.6K 614
                                    

"Can I please excuse Noneen? May sasabihin lang po ako." Sabi ni Ralph tsaka ngumiti ng pagkalaki laki. Labas ang dimples nya and as usual lahat ng babae sa room tunaw na tunaw. Minsan lang naman kasing ngumiti si Ralph sa isang taon. 

Nanalaki ang mata ni Noneen. Ha? Ako? Isip niya. Bakit sya ieexcuse ni Ralph, anong meron? Biglang lumakas ang tibok ng puso niya. Paano naman kasi si Ralph to, ang kanyang unrequited first love.

Nagkatinginan sila ni Lawrence. At ang tingin nito ang sama sama. Isa pa to eh, hindi rin niya malaman kung bakit napakasama makatingin. Pero sabagay parati naman syang tinitingnan nito ang masama kaya sanay na rin siya.

"Noneen, Ralph is excusing you. May gusto daw syang sabihin." Malamig na sabi ni Lawrence. Inirapan sya nito. Hmp, kahit kelan ang sungit! Isip nito. Tumayo na sya at biglang nagtilian ang mga kaklase ni Noneen.

"Ayieee! Noneen si Ralph pala di sinabe!"

"Charotera ka Noneen haba ng hair!!!"

"Alulululu! Noneen kelan pa naging kayo ha? Ayiee!" Asar ng mga kaklase nya sa kanya. Namula tuloy sya at mas lalong nahiya. Naglalakad sya papunta sa labas ng biglang napahinto sya.

"Silence!!!" Biglang natahimik ang buong klase ng sumigaw si Lawrence. Para namang nagulatang sa sobrang laki ng mga mata ng estudyante doon sa classroom. Pero hindi na ito pinansin ni Noneen. Lumabas na ito ng room at nakita si Ralph na nakasandal sa pader.

Dugdugdug. 

Ayan nanaman puso ko. Ang gwpao naman kasi ni Ralph eh <3 Isip ni Noneen.

"B-bakit?" Tanong ni Noneen.

"Clock Tower 7pm sharp. Pagna-late ka papatayin kita tandaan mo yan." Tsaka ito tumalikod at naglakad papalayo. Natulala si Noneen habang pinapanuod niyang maglakad si Ralph palayo sa kanya.

"Clock Tower 7pm sharp. Pagna-late ka papatayin kita tandaan mo yan."

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon