EPILOGUE

775 35 24
                                    

HINDI KO MA-IPINTA 'yung nararamdaman ko nang makita ko si William na naglalakad papalapit sa akin.

Talaga bang magiging asawa ko na siya ngayon?

Kasabay ng pagtama ng aming mga mata ay ang pagtugtog ng live band ng aming wedding song na pinamagatang Are You Gonna Kiss Me or Not? By Thompson Square.

Nang makalapit na siya sa'kin nang tuluyan ay roon ko naman nakita ang biglang pagtulo ng kaniyang luha.

Hindi ako makapaniwala na matapos ang anim na taon, sa altar tayo muling magtatagpo.

"Seb, thank you for doing this," nakangiting sabi nito habang lumuluha.

"I love you with all my heart, William," was all I could say before I offered him my hand, "Shall we?"

He nodded and accepted my hand.

"Thank you for giving me the sacred spot in your heart. To be your lifetime husband. Thank you for being part of my dream home."

When my tears fell down my cheeks, he dried it and smiled at me like he was making me feel at my own home now.

"I pronounce you husband and husband! Sebastian, you may now kiss your husband."

Bumuntong-hininga na muna ako bago ko hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Finally..." bulong ko kasabay ang hindi mapigil na mga luha.

"Go ahead, Sebastian, kiss me. I'm all yours now." I kissed him gently on the lips before he could finish his sentence. My hand unconsciously moved around William's waist and pulled him to me, making our kiss deepen.

"Wala na bang iwanan?" tanong ko sa kaniya.

"Wala nang iwanan." He took my hand and kissed the back of it.

Nakaupo lang si Sebastian sa sahig, sa tabi ng kama kung saan doon mahimbing na natutulog ang dalawa nilang anak.

Habang pinakikinggan niya ang wedding song nila ni William ay kasabay naman niyon ang pag-alaala niya sa kanilang kasal at sa mga pangakong binitiwan nila sa isa't isa. Hindi niya inaalintana ang madilim na kuwarto at ang mga luhang tumatakas sa kaniyang mga mata sa halip ay nakakatulong pa 'yon sa nararamdaman niya.

"M-mga anak... nasasaktan si Daddy." Hawak-hawak lang ni Sebastian ang maliit at malambot na kamay ni Craig dahil siya ang pinakamalapit sa kaniya habang hinahalik-halikan ito.

"Hinding-hindi ko kayo pababayaan..." Patuloy lang sa pagtagas ang mga luha ni Sebastian.

"Kahit na pinili ng tatay niyo na makasama 'yung totoong mahal niya, dapat hindi tayo magtatanim ng galit sa kaniya, ah? Daddy niyo pa rin 'yon," nakangiting sabi niya. Pinipilit ni Sebastian na tatagan ang loob niya kahit na ang totoo ay sobrang nasasaktan na siya.

Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang umaga na wala si William sa tabi niya.

"W-wala nang babati sa'kin ng good morning. Wala nang mangungulit s-sa'king umuwi nang maaga galing sa trabaho..."

Isinandal ni Sebastian ang kaniyang ulo sa dulo ng kama at doon mahinang nilabas ang kaniyang pag-iyak.

William is my strength and my weakness. Ngayon pakiramdam ko wala na akong silbi dahil wala na siya sa'kin.

Wonderstruck: Se'nnight RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon