CHAPTER 30

238 19 4
                                    

The Ring

YOU CAN CLEARLY see the pain in Sebastian's eyes. Kahit na harap-harapan niyang nakita kung paano nila gawin ang bagay na 'yon ay hindi pa rin magawang magalit ni Sebastian dahil sa sobrang pagmamahal niya kay William.

I don't want to hurt him because I hate seeing him in pain. That's something I will never make him feel. I'd rather understand him.

Kapag nagalit ako, ako ang mawawalan. Ano bang laban ko kay Maximo?

Noong makita ni Sebastian ang pagtatalik nina William at Maximo ay maraming bagay ang tumakbo sa isipan niya; masaya ba siya sa ginagawa niya? Naisip niya kaya kung masasaktan ako? Matagal niya na kayang hinihintay 'to? Iiwan niya na ba ako?

"Sorry," nanginginig ang boses ni William habang sinasambit niya 'yon. Sinubukang humakbang ni William papalapit sa kaniya para hawakan siya at makapagpaliwanag nang bigla na lang tanggalin ni Sebastian ang suot niyang kulay beige na trench coat.

Only his plain black shirt and denim pants were left on his body when he sauntered through the space between them while trying to hide his real emotions. As he reached William's place, he felt the nervousness and halting emotions, but his eyes said otherwise.

Titig na titig lang si William sa mga mata ni Sebastian kasabay ang paninikip ng kaniyang dibdib dahil hindi niya kakayanin kapag pinili niyang iwan siya nito dahil sa panloloko niya.

Hinawakan ni William ang kamay ni Sebastian at sinabi, "Seb, suntukin mo ako. Bugbugin mo ak0ㅡ" he's not yet finished with his stuttering line when Sebastian retrieved his hand and enveloped it around William's. Sebastian's eyes were now welling up in tears, and before William could even talk, Sebastian gradually put the beige trench coat on him to cover his naked body.

"A-ayokong sakta..." hindi magawang tapusin ni Sebastian ang kaniyang sasabihin dahil sa pinipigilang emosyon. Kitang-kita ni William ang pamumula ng pisngi, ilong, paligid ng mata at tainga ni Sebastian dahil ayaw nitong isawalat ang kaniyang totoong nararamdaman kahit sobrang bigat na.

"H-huwag mong pigilan 'yang nararamdaman mo. Saktan mo ako kung 'yon ang makakapag-pagaan ng loob mo. Hindi naman ako lalaban. Mauunawaan ko kung ano man ang gagawin mo sa akin."

At sa pagkakataong ito ay nag-umpisa nang manginig ang mga tuhod at kamay ni Sebastian kasabay ang pagbagsak ng mga luha.

"T-talaga?" Ikinuyom ni Sebastian ang kaniyang kamao habang nagtitiim ito ng bagang.

He was about to punch him directly in the face when William closed his eyes to ready himself and let his man vent out the anger he was feeling, but instead of a strong and painful punch from Sebastian, he received a wide and tight hug.

"Wala naman akong karapatang magalit at masaktan dahil hindi naman kita pagmamay-ari."

"Ano bang pinagsasabi mo riyan?" Hinahayaan lang ni William na yakapin siya nang napaka-higpit ni Sebastian na parang wala nang bukas.

The man he had trusted so much was now betraying him, but he couldn't hurt William because he was worthy of care and understanding. He just loves this man no matter what.

"Please, huwag m-mo akong iiwan." He was sobbing while his hug on William was getting tighter. Halos pagsakluban naman ng langit at lupa si William nang marinig niya 'yon mula sa humahagulgol na si Sebastian.

Wonderstruck: Se'nnight RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon