CHAPTER 23

330 24 1
                                    

Sebastian's Power

"I SAID, SHOOT HIM!" Lord Andrew ordered the Head Security to shoot William from behind.

"But, it might ruin your son's wedding," he countered.

"It's already ruined, so I don't care! I totally lost my patience to that guy. Just shoot him dead!" desididong pag-uutos nito.

"Dad, please don't do this to Kuya Williamㅡ"

"Tigilan mo ako, Lucius!" he retorted. Dahil wala namang magawa ang Head Security ay sinunod na lamang niya ang ipinag-uutos nito mula sa kabilang linya.

"Williaaam!" Namuo ang kaguluhan sa loob ng simbahan nang bigla na lang bumulagta si William sa sahig kasabay ang pagdanak ng dugo sa kaniyang likuran.

Tatakbo na sana si Maximo para puntahan si William nang hawakan siya sa kamay ni Sarah.

"You're not allowed to do that! I am your wife now!"

"Wala akong pakielam sa'yo! Mas kailangan ako ni William ngayon!"

"He's your illicit affair now!"

Nagpantig naman ang tainga ni Maximo sa kaniyang narinig bago hinawakan nang napakahigpit ang pulsuhan ni Sarah. "He will never be the clandestine!" tiim-bagang niyang pagkakasabi sa harapan niya. "He's the only person whom I wanted to be with forever regardless of our gender. Kasal lang tayo sa papel pero hindi kita mahal!" Walang ano-ano'y puwersado niyang binitiwan ang kamay nito at saka siya tinalikuran.

Aalis na sana ito para puntahan si William nang bigla na lang siyang palibutan ng mga security.

"Take my order! Get out of my way!" but no one listened. "I said get out!"

Kahit na sobrang galit na si Maximo ay hindi siya hinayaang makalapit sa nakabulagtang si William sa entry point ng simbahan. Mayamaya lang ay napakunot na lang ang noo ni Maximo nang biglang buhatin ni Sebastian si William.

"What was he doing here?" naguguluhang tanong nito. Kitang-kita ni Maximo sa mga mata ni Sebastian ang labis na pag-aalala para sa lalaking pinakamamahal niya.

Hindi nga ako 'yung nasaktan ng pamilya ni Sarah pero nalagay pa rin sa alanganin ang buhay ni William. Buwisit na pamilya 'to!

"Tatandaan niyo 'tong araw na 'to! Babalikan ko kayong lahat. Lalong-lalo na 'yang pamilya mo Maximo!" he exclaimed in front of so many people while carrying his unconscious buddy before taking their leave.

Nang mawala na sina Sebastian at William sa senaryo ay agad na napunta ang atensyon ng mga tao sa pamilya Lauchengco at Reyes. Maximo was now fuming beyond his limit and in his breaking point, with his fist clenched and jaw tightened, he burst in anger.

"Ano 'to, huh?!" halata sa pananalita at mukha ni Maximo ang labis na galit dahil sa bumabakat na ang kaniyang mga ugat sa noo at leeg.

"Kasalanan 'yon ng lalaking 'yon!" mabilis namang sinabatan ni Maximo ang linya ng kaniyang ama.

"Kayo ang may kasalanan nito, huwag niyo siyang sisihin! Ito na ang gusto niyo hindi ba? Ginawa ko na! Bakit kailangan niyo pang saktan 'yung taong mahal ko, ha?!" Dahil sa sobrang galit nito ay hindi na niya napapansin na nababastos na pala niya ang ama niya. Sinadya niya ring marinig ng lahat ang katotohanan tutal sira na rin naman na ang lahat.

Wonderstruck: Se'nnight RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon