CHAPTER 6

525 31 22
                                    

Happiness

HINDI NAMAN AGAD nakakilos at nakapagsalita si Maximo sa kaniyang narinig mula kay William. Kahit na lasing na lasing ito ay alam niya pa rin ang nangyayari sa kaniyang paligid lalo na kay William.

"Ako?" Max was having a turmoil in his head. Ngumisi nang bahagya si William bago siya bumuntong-hininga at saka humarap nang paupo kay Maximo.

"Thank you," sabi nito sa mababang boses habang matamang nakatingin kay Maximo.

"May I know the reason why?"

William heaved a deep sigh before he speaks, "I'm a waiter when I was in the Philippines. Kaya ko namang suportahan 'yung pamilya namin kahit na maliit lang ang kinikita ko sa pagwe-waiter kaya lang magkokolehiyo na kasi ang bunso kong kapatid. Hindi na sapat 'yung kinikita ko roon." Hindi alam ni Maximo kung ano bang puwede niyang gawin para pagaanin ang nararamdaman ni William.

"Ilan kayong magkakapatid?"

"Tatlo kami. Ako 'yung panganay. Tapos isang araw may nag-offer sa'kin na kaibigan ko na pumunta rito sa Brick Lane para makapagtrabaho sa isang bar. Siguro nakaka-isang taon pa lang ako rito sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako babalik ng Pinas dahil naibibigay ko na 'yung gusto ng pamilya namin hanggang isang...

...isang araw nalaman ko na lang na pinatay sila." Dahil bumagsak na ang napaka-raming mga luha ay roon na hinigpitan ni Maximo ang pagkakahawak sa kamay ni William at puwersadong hinila papunta sa katawan kaniya.

William rested his head on Maximo's shoulder.

"Pakiusap, huwag kang umiyak," mahinang pagkakasabi ni Maximo at literal na naninikip ang dibdib niya sa tuwing naririnig niya ang paghikbi ni William. Nararamdaman niya rin ang mga luhang bumabagsak sa kaniyang katawan na nanggagaling sa balikat niya kung saan doon nakapatong ang ulo ni William.

"Maximo, salamat kasi nagkaroon ka ng lakas ng loob na magbukas ng art gallery kahit na ayaw ng pamilya mo. No'ng time na wala ako sa sarili ko, art gallery mo 'yung pansamantalang naging bubong ko at dahil doon ay nakita ko pa 'yung sarili ko na magpatuloy." Inangat naman ni Maximo ang ulo nito at saka pinunasan ang mga luha. His beautiful and droopy eyes are now red and filled withwater.

"Hindi ko alam na may isang tao pala akong nailigtas sa kalungkutan dahil sa art gallery ko."

Hinawakan rin ni William ang kamay ni Maximo at saka 'yon diniinan.

"Kaya salamat."

Bumuntong-hininga saglit si Maximo bago ito umupo nang maayos at saka isinandal ang likuran sa sofa. Nakaharap na siya ngayon sa kawalan habang si William naman ay nananatiling nakatingin sa kaniya at nakaupo nang patagilid. Kitang-kita ni William kung gaano kapungay ang mga mata ni Maximo habang ang katawan naman nito ay hubog na hubog. He's more handsome when drunk.

"You're now finally free in your life and living yourself with art. I'm envious," nagkukuwento si Maximo habang walang buhay at emosyon ang mukha.

"Yeah."

"Samantalang ako, mayaman nga at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko pero ang kapalit naman ay wala akong kalayaan. Sila ang dapat na magdikta kung paano tatakbo ang buhay ko." Umayos naman ng pagkakaupo si William at saka tumabi kay Maximo.

"I'm sorry to hear that."

"Lahat na lang pinakikielamanan nila pati buhay pag-ibig ko gusto nila sila ang masusunod. Nagawa pa nilang mag-arranged ma—" naputol na lang ang sasabihin ni Maximo nang maalala niya si William. Ayokong malaman niya agad ngayon na ikakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal na nasa Pilipinas.

Wonderstruck: Se'nnight RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon