CHAPTER 20

250 17 9
                                    

My Greatest Dejection

KASALUKUYANG HILA-HILA ni William ang kaniyang maleta habang ginagala nito ang paningin para hanapin ang kausap sa kabilang linya.

"I'm already here at the airport, saan ka?" tanong ni William habang kausap nito si Sebastian mula sa kabilang linya.

"Nasa labas lang ako. Salubungin na kita para hindi na tayo magkawalaan."

"Sige, sige."

Mas pinili ni Sebastian na huwag nang sunduin si William sa Brick Lane dahil mas maglalaan lang 'yon nang mahabang oras sa halip ay kinausap niya na lang ang kaniyang private pilot para siya ang sumundo sa kaibigan roon sa ibang bansa.

Halos alas dose na rin ng tanghali nang dumating si William sa Pilipinas at medyo matindi pa rin ang tama ng hangover sa kaniya dahil sa ininom niyang alak kagabi. Gayunpaman, ayos lang sa kaniya 'yon lalo na't sabik na rin siyang mabisita ang kaniyang magulang at kapatid sa sementeryo na matagal na niyang hindi nadadalalaw.

From: Seb

I can see you already. Such a stubborn dick.

Napatawa at napailing naman si William sa kaniyang nabasa mula sa mensahe ni Sebastian hanggang sa makita na nga rin nito sa hindi kalayuan ang isang lalaking nakasuot lang ng simpleng puting t-shirt, gray fitted slux at white sneakers.

Such a handsome man and his looks is so pleasing in the eyes. What a drop-dead gorgeous man.

"Hey!" Mabilis namang sinalubong nang yakap ni Sebastian ang kaniyang kaibigan. Nang magkahiwalay na sila sa yakap ay agad na tinulak nang bahagya ni Sebastian ang noo ni William gamit ang kaniyang hintuturo.

"What's with that face, huh?"

"Pinaghalong jet lag at hang over lang 'yan," he explained while smiling at him sheepishly.

"Inom pa. Dapat kasi umiiyak ka lang sa taong binibigyan ka ng importansya."

"Tsk, sorry naman. Hindi ko ba puwedeng iyakan si Maximo? Even though we just met in a short period of time, I know what he did to me was all pure love. He loved me."

"Loved? Heh. Bahala ka sa buhay mo. Anyways, tama na nga 'tong dramahan na 'to, napag-usapan naman na natin 'to kanina. Ano? Gusto mo na ba munang magpahinga?"

"No, kain muna tayo tapos bisitahin ko parents ko."

"Okay, okay."

Sebastian took William's luggage and strode the way out of the airport. They went straight to Sebastian's car and found a nearby restaurant. Habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe ay agad silang nakakita ng isang flower shop.

"Wait, bibili lang ako ng bulaklak."

"Sige lang." He manoeuvred the steering wheel to change the direction. They went to the flower shop and bought a dozen white roses.

"Ayaw mong dagdagan?" tanong ni Sebastian habang tinitingnan ang hawak na bulaklak ni William.

"Nope, it is enough."

"You sure?"

"Yes."

"Okay, let's go." He took the buoqet of white roses from him and led the way out of the flower shop.

Wonderstruck: Se'nnight RomanceWhere stories live. Discover now