CHAPTER 36

212 16 1
                                    

The Abduction

"SMILE!" Sabay-sabay namang ngumiti ang pamilya Portavaga-Dizon sa harap ng camera kung saan naroroon sila sa isang open area ng amusement park kung saan nagpapakuha ng litrato. Akbay-akbay ni Sebastian si William sa kaniyang balikat habang ang dalawang bata naman ay nasa harapan nila at tila alam na alam ang gagawin sa harapan ng camera.

"Ate Kiawa, ngiti waw!" pagsusuway ni Craig sa kaniyang ate.

Aksidente namang napatingin sina Sebastian at William sa kanilang mga anak nang biglang yakapin ni Kiara ang kaniyang bunsong kapatid habang abot-tainga ang ngiti nito na nakapag-bigay naman ng magandang pagkakataon sa maniniyot para makuhanan ang pinakanatural, pinakatotoo at pinakamagandang pose na 'yon.

May mangilan-ngilang mga tao sa paligid ang napapatingin sa kanila pero hindi na nila 'yon pinapansin pa basta ang alam nina Sebastian at William ay masaya sila at napapasaya nila ang dalawa nilang anak.

The majority of the audience is captivated by their adorable family, particularly the two children who appear to be foreigners due to their appearances.

It was getting dark and Kiara was already sleeping on Sebastian's shoulder while both of them were feeling hungry. That's why they decided to eat at the nearby restaurant.

Habang tulog na tulog si Kiara ay kabaligtaran naman ni Craig na buhay na buhay pa rin ang diwa.

"Honey, saan tayo kakain?" tanong ni Sebastian habang karga-karga nito si Kiara na ngayon ay nakahilig sa balikat niya dahil sa labis na pagka-pagod.

"May nakita ako kaninang restaurant. Doon na lang tayo kumain. Nagugutom na rin ako."

Lumapit naman si Sebastian sa kaniyang asawa bago ito hinalikan sa kaniyang balikat. It was actually a cute moment for the two of them.

Naglalakad sila sa kalagitnaan ng mga tao habang ingay mula sa mga rides ang kanilang naririnig at ilaw sa mga shops ang nagbibigay liwanag sa nagdidilim na gabi.

"Hon, nag-enjoy ka ba ngayong araw?" malambing na pagkakatanong ni Sebastian.

"Of course, I did enjoy this day. Basta kasama ko lang kayo ng mga bata masaya na ako kaya huwag kang magsasawa sa'kin, ah?" paglalambing din ni William.

"Sure. You know, honey, I'm too in love to give up on you. You and our kids are my strength and weakness."

Tinugunan naman ni William 'yon ng isang halik sa kaniyang labi hanggang sa bigla na lang tumawa nang malakas si baby Craig.

"Daddy, staws!" tuwang-tuwang pagkakasabi nito habang karga-karga siya ni William.

"Anak, don't move too much. You're heavy."

"You love stars now?" Sabay halik ni Sebastian sa maliit, malambot at malaman na kamay ni Craig.

"I wove you, daddy!" I love you, daddy! He said out of nowhere pertaining his two dads while looking up at the sky.

"I love you, too, baby Craig. Did you enjoy?" malambing na pagkakatanong ni Sebastian sa pambatang boses.

"Yes, Daddy! Wet's go hewe again," tuwang-tuwang pagkakasabi ni Craig.

Wonderstruck: Se'nnight RomanceWhere stories live. Discover now