CHAPTER 38

237 18 0
                                    

Undying Love

KALAT NA KALAT na sa buong bansa ang tungkol sa pagdukot sa kaniya at halos siya na lang ang laman ng mga balita.

"Ian, are you sure about this?" Tila hindi parin mapakali ang mag-asawa dahil sa pagdukot kay Maximo.

The whole investigation committee and their family security were really trying their best to track the whereabouts of the culprits, but there was still no available information that could help them locate the place.

Nakikipag-tulungan na rin ang mga NBI sa paghahanap kay Maximo ngunit wala talagang mahanap na kahit anong impormasyon na makakapagturo sa lokasyon na kinalalagyan nila.

"Lady, it's already two in the afternoon. I don't think William is going to send some heroic help. Sa tingin ko, hindi siya pinayagan ni Sebastian na tulungan tayo."

Halos mapuno na ng mga NBI personnel ang buong mansion para siguraduhin ang kaligtasan ng pamilya Reyes.

Ibinigay naman nina Lord at Lady sa private investigation committee na pinangungunahan ni Kearn ang kaso ni Maximo.

The whole Kearn's team was divided into three—team for tracing, a team for securing the whole Reyes' mansion, and a team for investigation.

"Buwisit na Sebastian 'yan! Isa 'yan sa mga tinik sa lalamunan ko, eh!" gigil na pagkakasabi ni Lord Andrew habang abala ito sa panonood sa mga trabahador na naghahanap sa anak niya.

"Andrew nasaan na ba ang anak natin?" humahagulgol na sabi ni Lady Jeddah habang nakaupo ito sa sofa.

"Don't worry honey, makikita rin natin 'yung panganay natin." Niyakap naman ni Lord Andrew ang kaniyang asawa.

Halos apat na araw na ring umiiyak si Lady Jeddah dahil sa pagdukot sa kaniyang anak.

Ito na ba 'yung karma ng pagiging magulang namin sa kaniya? Ginagantihan na ba kami ng panahon dahil masyado naming iniisip ang mga sarili namin?

Iligtas niyo lang ang buhay ng anak ko, nangangako ako na babaguhin ko na ang pakikitungo ko sa mga anak namin lalo na kay Maximo.

"Wowa, nasaan po daddy?" malungkot na pagkakatanong ni Ambrose at tila naguguluhan sa mga nangyayari.

"Apo, nasa trabaho lang po si Daddy, okay?" She kissed the top of his head.

"But you'we cwying, wowa. I don't want to see you cwying."

"Wala lang ito"—itinuon naman ni Lady Jeddah ang pansin niya kay Ian—"Ian, dalhin mo na muna si Ambrose sa mini-playground niya."

"Yes, lady!" Dali-dali naman niyang kinarga si Ambrose at saka dumiretso sa mini-playground ng bata.

He shouldn't have to witness all these things. It would just give him trauma.

Sinamahan naman ng magkakaibigan si Ian sa mini-playground at doon nilaro si Ambrose.

"Grabe, talagang hindi niya pinayagan 'yung asawa niya na tulungan tayo. Hindi naman siguro masamang tumulong." Pagbubukas ni France ng usapin habang nakaupo ito sa swing katabi si Asher.

"Nakakainis na gano'n nga kaya lang at some point, naiintindihan ko rin kung bakit hindi pumayag si Sebastian," seryosong sabi naman ni Venjamin habang abala ito sa pakikipaglaro kay Ambrose, "Kahit ako naman siguro hindi ko rin papayagan si Ian na sumama sa ganitong klaseng misyon."

Wonderstruck: Se'nnight RomanceWhere stories live. Discover now