CHAPTER 9

650 30 25
                                    

My One and Only Man

NAGISING NA LANG si Maximo sa kama ni William nang maramdamang tumatama na sa kaniya ang sikat ng araw na sumisilip sa siwang ng bintana.

"Bakit hindi ko katabi 'yon? Sinabi ko ng tabi nga kamㅡ" hindi pa man natatapos ni Maximo ang kaniyang sasabihin nang bigla na lang tumunog ang kaniyang cell phone.

Maximo's mother was calling him via video call.

"Yes?" he asked flatly.

"Maximo, you only have three days left to stay there. Pag-uwi mo rito may kailangan ka pang ipaliwanag sa'kin, ah. You're literally stressing me out!" narindi naman agad si Maximo sa kaniyang narinig mula sa ina.

"Really? Hissing at me in the morning?" iritableng pagkakasabi ni Maximo.

"Mag-uㅡ" hindi naman na pinatapos pa ni Maximo ang kaniyang ina sa sasabihin nito dahil sa sumasakit lang ang kaniyang ulo.

I only have three days left to stay here? Hindi ko namamalayan na nakaka-apat na araw na pala ako rito sa Brick Lane dahil kay William.

Tatlong araw na lang ang natitira sa'kin para mag-umpisang mag-asikaso ng panibago kong plano. Pero bago ko pa man gawin 'yon ay nais ko na munang bigyan ng sorpresa si William. I want to give something that will remain or instill in his heart for the rest of his life. Surprises are not my cup of tea but for William, I will try my hardest to make him feel special and loved.

Pagbaba ni Maximo ng kaniyang cell phone ay roon naman niya nakita si William sa sofa at natutulog.

"Baliw talaga. Sinabi ko nang tabihan ako sa pagtulog, eh," bulong niya sa sarili bago siya tumayo at saka nilapitan ang binatang natutulog sa sofa. Nananatili siyang walang damit pang-itaas at tanging pantalon lang ang suot sa katawan. Lumuhod siya sa harapan ni William upang mapantayan ang mukha nito at saka tinitigan.

His face.

It's so perfect in my eyes.

He's really hitting the softest part in my heart every time he's in the frame. It felt like I already found the right person for me.

Nakangiti lang si Maximo habang hinahawi nito ang magulong buhok ng binata.

"Ilang araw na lang ang ilalagi ko rito sa Brick Lane," bulong nito bago niya ginapang ang kaniyang hintuturo sa ilong ni William. "I want to make more happy and intimate memories with you."

Hindi pa man umaabot sa dulo ng ilong ni William ang daliri niya nang bigla na lang magising si William. He stretched out his limbs and yawned as well to prepare himself from waking up.

"Ginagawa mo?" tanong ni William sa mababang boses habang humihikab at kinukusot ang mga mata.

"A...ah wala." Dali-daling tumayo si Maximo at saka dumiretso sa kama. Nakita naman ni William ang napaka-define na likuran ni Maximo dahilan para mas ma-attract siya rito.

The very reason I painted him facing the rock because I'm really obsessed with his defined and toned back. For me, that's his sexiest part of the body.

"Tinititigan mo ba ako habang natutulog?" asked Maximo while yawning. He's now sitting on the sofa.

"Eh, ano naman kung oo?" Napailing na lang si William sa kaniyang narinig mula sa binata.

Wonderstruck: Se'nnight RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon