CHAPTER 15

29 14 0
                                    

Day 8 of being stupid cupid: Text






"Good morning Ma'am!" ani ng Security ng pumasok na ako sa lobby. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kaniya.

"Good morning po, Architect!" Tango lang rin ang naisagot ko sa isang Staff.

Naging maayos naman ang tulog ko kagabi kahit late na akong umuwi dahil sa lasinggerong si Klen. Kamusta na kaya 'yon? Nakita niya na kaya ang note na iniwan ko?

Pumunta na ako sa elevator at sumakay ng bumakas na ito ay agad na akong lumabas at dumiretsyo sa aking opisina.

"Hayy, ang tagal naman.."

"Zara, patingin nga ulit."

"Pwedi ba tumahimik kayo."

Sila zara ang nadatnan ko sa aking opisina. Ano namang ginagawa ng mga ito sa opisina ko?

"Hoyy, saan ka galing?" Tiningnan ko si Ceila ng nakataas ang kilay. Saan galing? "Sa bahay." Umiling iling naman sila Shai at Zara.

"Bakit hindi mo kami sinama kagabi sa bar, ang days nito." ani Zara ng nakanguso. Nagsabi kasi ako sa kanila na mag-iikot mo na ako bago umuwi, hindi ko naman inaasahan na sa restaurant na pinuntahan ko ay nandoon si Klen. Ang swerti ko pala hahaha!

Hindi sila nakasama dahil kailangan pa ni lang mag-over time may tinatapos kasi sila. Natapos ko na kasi 'yong ginagawa ko nong Sunday.

"Niyaya ko kaya kayo." I said.

"Pero hindi mo sinabi na sa bar ka pupunta." Si Ceila.

Nakasimangot na tiningnan ako ni Zara, isip bata talaga. "Ano namang problema mo?"

May inabot na cellphone si Shai sa akin. May picture kami ni Klen noong palabas na kami ng bar nakaakbay siya sa akin at inaalalayan ko siyang maglakad. "May boyfriend kana pala bakit hindi ka nagsasabi sa amin huh!" Magmamaktol ni Zara. Natawa nalang ako, kaya mas lalong kumunot ang noo ni Ceila.

"Saan naman galing 'yan huh?" Umupo ako sa swivel chair ko at pinaikot ito. Tumayo naman si Ceila sa harap ng desk ko.

"Yung kaibigan ko, nakita ka kasi niya. Si Quen, you remember her?" Ani Ceila, "Yeahh, I remember her?"

Siya ang best friend ni Ceila noong Elementary pa sila kahit hanggang ngayon, nakilala ko na rin ito second time ng pumunta kami ng bar. "Hindi ko boyfriend ang lalaki na 'yan. Hindi talaga." I said.

"Pinsan?" Ani Zara.

Zara chuckled. "Hoyy, hindi mo pa pala ako nalilibre." Dagdag ni Zara na biglang naalala ang pangako ko sa kaniyang panlilibre. Halakhak nalang ang naisagot ko kay Zara, nakalimutan ko pala siyang ilibre.

Nagkwento ako sa kanila simula nang nakita ko si Klen sa Restaurant hanggang sa iuwi ko si Klen sa kaniyang condo, pero sinabi ko sa kanila na kakilala ko lang si Klen. Hindi ko sinabi na kaya ko siya sinundan ay dahil kailangan kung mapalapit at pagbatiin sila ng kaaway niya, hindi ko pa din sinasabi sa kanila hanggang ngayon ang tungkol sa challenge na kailangan kung gawin.

After na ma-iwento ko na sa kanila  ay umalis na din sila sa opisina ko. Pinilit pa nga ako ni Zara na ilibre siya mamayang lunch. Kaya a'yon na pa oo ako sa kaniya. Ang kulit niya talaga.

Pabalik na ako ng opisina ko ng tumunog ang cellphone ko may biglaang meeting kasi tungkol sa site na ginagawa.

(1 message received)

+639254278374: Hi, this Klen can we meet doon sa Restaurant 5pm sharp kung saan nakita mo ko.

I didn't expect Klen text me, but he did. I guessed he want to thank me.

+639254278374: Okay, see you! Lalaking lasinggero <3

Hindi mawala ang ngiti ko habang tinitingnan ang cellphone ko.

Nang nag lunch na ay nilibre ko si Zara pati sila Shai lumabas lang kami at kumain sa malapit na Italian Eestaurant. After we ate went to the company to finished our work.

5:30pm na at on the way na ako sa r
Restaurant kung saan kami magkikita ni Klen. Nagpark na agad ako ng kotse at lumabas na ng makita ko si Klen na nakaupo malapit sa may glass window ay nagsimula na akong maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot siya ng suit na black at black slacks black din ang kulay ng kaniyang relo. Salubong ang tingin ng kaniyang makapal na kilay sa menu na nasa harap niya.

"Hi!" bati ko ng nasa harap niya na ako. "Sorry na late ako, traffic kasi hehehe!" umupo na ako, tumingin ako sa kaniya na nasa akin na pala ang kaniyang tingin.

"No worries, kadarating ko lang rin." hindi ko alam kung anong sasabihin ko o dapat ba akong may sabihin sa kaniya. Nang tumingin ulit siya sa akin ay ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "Nag-order na ako." Tango nalang ang naisagot ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo sa bar kagabi?" Dapat ko bang sagutin ang tanong niya. "Iinom sana ako kaso... Nakita kitang lasing na, kaya tinulungan kita." Parang hindi siya satisfy sa naging sagot ko dahil sa halip na ngumiti siya , ay kumunot pa ang kaniyang noo.

Ano 'bang problema nito?

"Dapat hindi mo na ako tinulungan."

"What!" napalakas ang sigaw ko kaya tumingin ang ibang kumakain sa amin. "May problema po 'ba Ma'am?" Ani ng waiter na nasa harap ko na pala. Sunod-sunod akong umiling, agad din naman itong umalis dahil tinawag na siya sa may counter.

"Pwedi 'ba hinaan mo 'yang boses mo." tumingin ako ng nahihiya kay Klen dahil sa ginawa ko.

"Mag thank you ka nalang kasi, pa salamat ka nga dyan tinulungan pa kita. Alam mo ba ang pweding mangyari kapag hindi kita tinulungan huh? Pwedi kang manakawan ng pera kasi tulog ka, tsaka pwedi ka 'ring makidnap tapos for ransom. Paano kung patayin ka nila kung hindi kita tinulungan I guess mapapahamak ka." napatingin ako kay Klen na nasa ibang direksyon ang tingin, ang haba-haba ng sinabi ko tapos hindi pala siya nakikinig sa akin.

Hindi pa nga siya nakakapag-thank you. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Anong ginagawa nila dito?

Ang daming Restaurant tapos dito pa sila kumakain?

"Hmm, Klen?" Napatayo din ako ng biglang tumayo si Klen, at naglakad papunta sa direksyon nila Zayden at Hazel. Kaya sumunod na lang ako.

Bakit kasi magkasama ang dalawa na 'to? Don't tell me nagkabalikan sila, ehh sila Klen at Hazel pa rin di 'ba. Natigil ang kanilang pagtawa ng mahagip nila kami ni Klen na papunta sa kanilang table. Mas lalo palang guma-gwapo si Zayden kapag tumawatawa.

Tumayo si Hazel at sinalubong ng yakap si Klen. Si Klen naman ay hinayaan lang na yakapin siya ni Hazel pero ang kaniyang mga mata ay diretsyong nakatingin ng matalim kay Zayden. Hindi naman siguro sila mag-aaway di 'ba?

"Bakit kayo magkasama ni 'to?" Hindi agad nakapagsalita si Hazel ng tanungin siya ni Klen. "We're dating." ani Zayden at ngumiti ng nakakaluko kay Klen.

Lumapit si Klen kay Zayden at agad niya itong sinuntok sa mukha, kaya nahulog si Zayden sa pagkakaupo sa upuan naalarma naman ang mga kumakain sa restaurant.

"Klen!" hindi naman pinansin ni Klen ang pagtawag ni Hazel ng kaniyang pangalan. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ko si Klen sa kaniyang braso para pigilan.

At dahil ayaw niya ngang magpaawat ay tinabig niya ako ng malakas at tumalsik ako sa may upuan na bakal. Agad akong nakaramdam ng kirot sa bandang kanan ng likod ko at ng hawakan ko ito.

At makita ang dugo. Ay bigla na lamang akong nawalan ng malay.



-Written By Eaciert

Being Stupid Cupid (Completed) Where stories live. Discover now