Parabula: "Ang Tatlong Mag-Kakapatid na Magsasaka"

353 4 0
                                    



Isang araw, mayroong tatlong mag kakapatid na magsasaka. Ang kanilang ina na nag ta-trabaho sa iba't ibang bansa ay nagpapadala ng salapi na maaari nilang gamitin upang mayroon silang puno at palay na ita-tanim. Madaming negosyante ang bumibili sa kanila dahil masasagana ang kanilang mga produkto. Naisipan ng panganay na palawakin ang kanilang lupa kaya naman nais nitong humingi ng mas madaming salapi sa kanilang ina. Sinubukan naman ng bunso na pigilan ito sa kanyang balak dahil alam niyang mas mahihirapan ang kanilang ina mag trabaho kung hihingi sila ng higit pa sa salaping kaya nitong i-bigay. Nagalit ang panganay sa bunso habang ang pangalawang kapatid nila ay pinanood lamang sila mag-alitan dahil ayaw na nitong makisali sa kanilang gulo.


Nag desisyon ang panganay na iwanan ang kanilang bunso at ito ay naging negosyante sa Urban na lugar. Habang ang isang kapatid naman nila ay tumulong sa pamamaraan ng pagiging trabahador ng kumpanya nito. Ang panganay ang bumibili ng mga produkto at nagpapagawa ng mga establismyento. Ang kapatid naman nitong trabahador ang mag ta-transport ng mga ito at ito din ang magpuputol ng mga puno upang magawa ang mga proyekto ng negosyanteng kapatid. Ang bunso naman na naiwan sa probinsya ay patuloy na nag tanim ng mga puno at inalagaan ang mga ito. Binenta niya ang mga bigas na galing sa mga palay na kanyang inani at ang mga prutas na bunga ng mga puno. Hindi na ito humingi sa kanilang ina ng salapi dahil sapat na ang kanyang kinikita upang mabuhay.


Isang araw naman ay biglang bumagyo ng malakas na naging sanhi ng matinding pagbaha. Nasira ang mga establismyentong pinagawa ng panganay. Nalugi at nawalan ng tirahan ang magkapatid pagkatapos ng bagyo. Naisipan nilang bumalik sa kanilang probinsya kung saan nila iniwan ang bunso. Pagdating doon, sila ay humingi ng tawad dahil napagtanto nila ang kanilang pagkakamali.


Humingi din ito ng tawad sa kanilang ina sapagkat naging makasarili ang panganay habang ang isa naman ay naging ignorante sa mga maling gawain ng kanyang panganay na kapatid. Dahil sa mahabaging puso ng kanilang bunso, tinanggap niya pa din kanyang mga kapatid kahit pa siya ay iniwan ng mga ito dati. Mag mula noon, bumalik na sila sa pagiging magsasaka at nakontento sa mga salaping kanilang kinikita. Ang kanilang ina naman ay nag desisyon na umuwi at sila ay namuhay ng simple at maginhawa.

Just WriteWhere stories live. Discover now