Short Story: "Mag Bigay Liwanag Sa Ating Mundong Dumidilim"

235 32 0
                                    


Nasusunog ang mga bahay. Nakakabingi ang sunod-sunod na pagsabog ng mga bomba. Kasunod ng pagputok ng mga baril ang pagsisigawan ng mga tao dahil sa takot at ang mga iyak at hagulgol ng mga mamamayan ay umalingawngaw sa paligid.

"Mama!" Pasigaw na pagtawag ko sa aking ina. Kasabay ng pagputok ng baril ang biglang pagbigat ng dibdib ko dahil sa kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko ng rumehistro sa utak ko na sinalo ng nanay ko ang bala na dapat tatama sa akin. 

"Mama!"

Napabangon ako at agad na humikbi pagkatawag ko kay Mama na alam kong hindi kona makakasama. Isa na namang masamang panaginip.

Gabi-gabi lagi kong napapanaginipan ang pag kamatay ng mga magulang ko. Namatay ang tatay ko dahil isa siya sa mga sundalo na sinakripisyo ang kaniyang buhay sa gera. Madalas kong makita ang puntod niya sa aking panaginip. Pero mas na apektuhan ako sa pagkawala ng aking ina na mas malapit sa akin.

"Lara, anak, tumahan kana panaginip lang 'yun." Hindi ko napansin na nasa tabi kona ang aking tiya at niyakap ako. Laking pasasalamat ko na dinala at kinupkop niya ako dito sa Maynila. Pinag-aral at pinagamot niya ako sa isang psychiatrist dahil sa aking depression.

Malaki ang utang na loob ko kay tiya. Kaya naman sinusuklian ko ito sa pamamaraan ng pag aaral ng mabuti at sinusunod ko lahat ng pinapagawa ng doktor ko upang mas mapabilis ang aking pag galing.

Bilang isa sa mga nakaligtas sa gera sa Marawi, napakahirap ng pinagdadaanan ko dahil naging testigo ako sa mismong gera na nag bigay trauma sa tulad kong labing limang gulang na dalaga. Nakakapanghina at nakakatakot ang mawalan ng magulang. Sa araw araw patuloy akong sinasampal ng realidad na wala na sila. Pero dahil kay tiya, isa siya sa nag bigay pag asa sakin na mayroon pa akong dahilan para mabuhay. Dahil sa kaniya napagtanto ko na hindi ko dapat sayangin ang buhay na inalay ni mama para sakin.

Habang lumilipas ang bawat taon, unti unti kong nararamdaman ang aking pag galing. Kahit napakahirap, tiniis ko lahat at hindi ako sumuko. Hanggang sa nakapagtapos nako ng kolehiyo. Kung ano man ang mga pinagdaanan ko, napakadami kong natutunan. Binago at hinubog nito ang bagong ako.

Nag desisyon akong isulat ang aking karanasan at pinagdaanan dahil sa gera. Nais kong ipakita sa mga mambabasa kung gaano kahirap ang mga sitwasyon tulad ng gera na patuloy na sumisira sa mundo. Dahil nakikita ko kung paano sinasayang ng karamihan sa henerasyon na ito ang kalayaang napakalaking biyaya sa kanila. Gusto ko mag bigay ng mensahe na dapat na tayong gumising sa katotohanan na malapit ng mamatay ang mundo kasama tayo.

Hindi ko inasahan na sisikat ang libro kong may pamagat na "Mag-bigay liwanag sa ating mundong dumidilim." Bumenta sa mga tao ang panimulang saknong ng aking libro.

"Kailangan nating mag kaisa upang bumuo ng pag asa para sa ating mundong patuloy na nasisira.
Simulan natin ang pagbabago at magbigay ng maganda at panibagong simula."

Just WriteWhere stories live. Discover now