Spoken Word Poetry: "TABOTILNGA"

607 41 1
                                    



Sabi nga ng guro ko sa science. "Panahon nga nag babago. Tao pa kaya?" Parang double meaning eh noh. Totoo nga naman.

Yung taong dati kakampi mo, ngayon kalaban mona. Yung akala mo pwede mong pagkatiwalaan, sila din pala mismo yung mga mang tatraydor sayo. Yung taong akala mo sobrang bait dahil sa mala-anghel niyang mukha, yun pala may sungay sa likod ng ulo niya. Hindi mo lang agad nakita. Bawal na nga daw plastik ngayon, pero bakit nag kalat pa din? Pahirapan sa pang huhuli ng mga gumagamit ng plastik. Hindi ba na inform mga pulis? Pwede na ding maging plastik mga tao ngayon. Dapat hinuhuli din yang mga yan eh.

May mga taong hindi ko maintindihan kung b*bo ba, o sadyang t*nga lang. Ay. Diba mag kamag anak lang yun? So both. Paano ba naman kase, pinag pipilitan pa ang sarili sa taong ayaw naman sa kanya. Dahil ba mahal niya? O sadyang may kailangan ka? WAOWAOWAO GALENG. Lakas maka gintong pala ah.

Meron namang taong hindi ko gets takbo ng utak. Ang kitid masyado eh. Maninira ng ibang tao para mahila lang sila pababa. Ano bang mapapala niyo dun? Imbis pa-iralin niyo inggit, gawin niyo na lang kaseng inspirasyon. Kung naiinggit ka, tapos sisiraan mo siya sa ibang tao. Tapos ano? Ano napala mo? Wala. Nandiyan kapa din sa baba, di ka aangat sa paninira mo sa iba.

Tsismiss naman dinaig pa virus kung kumalat. May mga tao kase na ang lakas ng impluwensiya sa tao. Ang dami namang utu-uto. Heto pa malupet. Nakuha niya tiwala't awa ng iba, dahil lang sa mabubulaklak niyang mga salita. WOW! MAGIC! Lakas maka 'May the God bless us' '#feelingblessed'. God bless nga. God bless your freakin attitude. Tingin mo matutuwa ang nasa itaas? Kung gagamitin mo ang pangalan niya para lang mag mukha kang mabuti sa mata ng iba? Pathetic.

Ito realidad natin. Realidad na isa sa naging dahilan para hindi umunlad ang bansa. Juice colored! Haynakuuu. Mga TABOTILNGA! TAng* BOb* inuTIL shuNGA. Ayaw mo tawagin kang ganyan? Okay. Edi mag bago ka.

Just WriteWhere stories live. Discover now