Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ14

8.9K 395 100
                                    

Nakangiti ng malawak si Esquival habang nagda-drive sa isang restaurant na pupuntahan namin. Kita ko sa mukha niya na masayang-masaya siya. Gusto ko sana sirain ang araw niya pero huwag na lang. Minsan lang kami hindi mag-away.


Nang makarating kami sa pupuntahan, agad niya pinark ang kotse sa parking area. Bago bumaba ng kotse ay lumingon siya sa akin.

"Ayos lang ba damit ko?" tanong niya.

Tiningnan ko siya na tinatanong kung seryoso ba siya? Ako nga kung ano ang suot ko ngayong araw sa trabaho ay iyon pa rin ang suot ko samantalang siya ay nagpalit pa ng damit.

"Oo naman. Hindi pa ba sanay mga ka-meeting mo sa ganiyang pormahan mo?" pang-aasar ko bago bumaba.

Sumabay rin naman siya sa paglalakad papasok sa loob. "I want to look good in front of your Tito Ren" salita niya pero hindi ko pinansin.

Sa isang reserved room kami dinala ng isang waiter kung nasaan na sila Tito Ren. We're expecting na kami ang mauuna kaso nagtext si Tito Ren na nandoon na siya. Thirty minutes earlier sa pinag-usapan naming oras.

Kumatok muna ang waiter bago buksan ito kaya pumasok na kami sa loob.

"Kuya Blake!" sinalubong kaagad ako ng triplet na hindi ko inaasahan na nandito rin. "Siya ba ang husband mo?" turo ni Cyren.

Tumingin ako kay Tito Ren. "Huwag kang mag-alala. Hindi madudulas ang dila niyan dahil may usapan na kami ng mga boys. Right, mga babies?"

"Yes po!" masayang sigaw nilang tatlo.

"Good evening, Mr. Ren" inalok ni Esquival for handshake ang kaniyang kamay kaya naman tinawanan siya ni Tito.

"You're too formal. Hindi mo kailangan maging formal sa akin" sagot ni Tito Ren at niyakap si Esquival. "I'm happy for Blake. I'm happy that he found a guy like you"

Hindi ko narinig ang sinabi ni Tito Ren pero lumingon siya sa akin at ngumiti. Umupo rin naman kaagad kami at umorder na ng pagkain.

"Can I call you Kuya Garret?" tanong ni Vancy.

"Yes" ngiting sagot ni Esquival. "So, how old are you?"

"We're 12 years old na. How about you?" tanong ng bata.

"I'm twenty." sagot niya na tiningnan ko naman siya kaagad na kinindatan ako.

Natawa naman ako dahil napaniwala niya ang bata. Wala naman kasi sa itsura niya na nasa 30s na siya.

"Masaya ako na nakarating kayo. Masyado nga lang kaming napaaga dahil sa pag-aaya ng mga bata para makita ka Garret." salita ni Tito Ren.

"I'm also happy that you invited me for a lunch"

"Gusto ko talaga kayong makitang magkasama at malaman ang plano niyo sa buhay. Wala akong balak makialam or baguhin ang gusto niyo. Ang gusto ko lang ay malaman. " naging seryoso na ang usapan. " Honey, puwede po bang magplay muna kayo doon. We need to talk lang, okay?"

Tumango naman ang mga bata at umupo sa couch na available dito sa loob samantalang dito kami sa dinning table. Nakatingin lang si Tito Ren kay Esquival pero kasabay nito ang paghawak ni Esquival sa kamay ko. Pota! Nilalamig kamay niya na parang humawak ng yelo pero hindi halata sa mukha niya dahil kalmado pa rin.

"What I said before, I don't have plan na makialam sa plano niyo pero gusto ko lang malaman Garret kung anong plano mo about sa status niyo. Blake is our first baby ng asawa ko. We love him so much katulad ng pagmamahal namin ni Cryax sa anak namin. At ayaw naming masaktan siya."

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now