Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 2

15K 536 107
                                    

" Na-retrieve mo na ba ang pinapagawa ni Boss, Jax? " tanong ng isang lalaki na lumapit siya sa kaniyang kasamahan na nakaharap sa isang laptop.

Nakakunot ang lalaking nakaharap sa kaniyang laptop. Sa unang pagkakataon ng kaniyang pagtatrabaho sa grupong ito ay ngayon lang siya nahirapan sa kanilang pinapapagawa.

Jaxon Mager is the hacker of Stone Mafia. Pinakamagaling na maituturing siya pagdating sa hacking system. Mga bangko, security sytem ng malalaki at kilalang mga kompaniya ang walang kahirap-hirap niyang napapasok pagdating sa pangha-hack. But now, nakakaramdam siya ng pagkakaroon ng kalaban pagdating sa larangan na akala niya na siya na ang pinakamagaling.

" May nang-hack ng system ng hotel during 8:03 to 8:13 " sagot ni Jaxon sa tanong ni Yuji.

Yuji Ivanov, the consiglier of the group. Their boss trusted him the most. Kaya niyang ialay ang buhay niya para lang sa kaligtasan ng kanilang boss. He is the vanguard and the dealer of the group.

" Its become interesting now " lapit ng babaeng may hawak ng beer. " Sure, may tinatago ang mga Sakurada " dagdag pa niya at umupo sa tabi ni Jaxon

Margarita Salazar, the arsonist and the bomb expert. She is the only girl in the group na hindi nagpapahuli sa mga lalaking kasama niya pagdating sa skills na meron siya. Malaki ang tulong niya sa grupo.

" Naretrieve muna? Nandyan na ang kotse ni boss " hirit ng isa na nakasilip sa bintana.

Silver Cervantes, the spy and sniper of the group. He is a gun expert. Alam niya ang lahat tungkol sa mga baril at paano ito gamitin. Never siyang pumalpak na maasinta ang kaniyang target. Pagmamatyag palang sa mga kalaban nila ay nakakamangha na sa galing.

Sila ang parte na kinakatakutang mafia sa underworld, ang Stone Mafia. Ang pagmamay-ari ng nag-iisang tao.

" Boss Garret " sabay-sabay nilang bati sa kakapasok lang na lalaki.

Walang iba kung hindi ang pinakabatang mafia boss, si Garret Azazel Esquival.

Sa paraan ng pananamit ay makikitaan na ito ng taas ng kaniyang posisyon. Itsura palang ay magtatago na ang mga kalaban sa takot sa maaaring gawin niya. Ang tingin niyang nakakamatay. Ang boses niya na isang batas. At ang galaw niya na hindi mo maaaring harangin dahil si kamatayan ang magiging kaharap mo.

" Do you already find her? " the boss asked.

Mababanaagan na sa kaniyang boses ang pananabik na makita ang babae na gusto niyang mahanap. Pinagkatiwala niya ito sa iba ngunit walang nangyari kaya ibinigay niya na ito sa kaniyang sariling grupo.

" Done! " isang pindot ang ginawa ni Jaxon sa keyboard ng kaniyang laptop kaya na-retrieve niya na ang nawala sa oras na 'yon.

Hinarap niya sa boss nila ang laptop. " Look, boss "

Sinimulan niya itong i-play kasabay ang pagpapaliwanag niya sa mga nangyayari. Nagsearch na sila tungkol sa mga posibilidad na kasabwat sa mga kaganapan noong event na 'yon. They don't want to disappoint their boss.

" Nagpanggap siya bilang Arina kaya nakapasok siya sa loob. While I'm looking to other cctv, I found that Ezra Sakurada talking to real Arina. Nang nag-start ang 8:03, doon na nagsimula ang pangha-hack. Fake Arina went to the staff room at nagpunta sa 16th floor kung saan makikita ang room ni Kaede Sakurada. "

Nilipat ni Jaxon sa isang tab kung saan makikita ang paglabas ng babaeng hinahanap ng kanilang boss sa kuwarto ni Kaede. Halata rin dito na tumitingin muna ito sa paligid bago nagmadaling lumabas at muling bumalik sa event.

" Pagkatapos ng ginawa ng fake Arina ay muling bumalik ang system nila. At isa pa sa napansin ko " nilipat niya muli ito sa ibang tab. " Look at Ezra, she gave signal to fake Arina to looked at her cellphone. After she read the message, lumabas na siya ng hotel "

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now