Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ12

8.4K 429 48
                                    

" Baby nandito na "

Napalingon ako sa kaniya na may dalang malaking picture frame. May nakabalot kasi na papel kaya hindi ko makita. Halos pumantay na sa tangkad niya ang dala niya.

" Ano ba 'yang pinadeliver mo? " usyoso ko habang papalapit siya sa akin.

Tinapat niya iyon sa harap ko kaya naharangan ang pinapanood ko. Kaya ako nandito sa sala dahil wala ang ama ni Esquival. Bukas pa uuwi kaya malaya ako ngayong araw. Wala naman ginawa 'yon kung 'di pansinin lahat ng mali ko at sermunan ako.

" Ikaw na magsira ng papel " utos nito.

Nakisabay na lang ako sa gusto niya dahil mukhang masaya siya sa anumang hawak niya ngayon. Pagpunit ko ng papel na nakabalot dito, bumungad agad ang mukha namin.

" Display ko sa kuwarto natin. Saka ko na ililipat sa bahay natin kapag pwede na tayo don " ngiti nitong sabi.

Tumango naman ako sa sinabi. Tinanggal ko na ito ng tuluyan kaya nakita ko na ang kabuoan.  Maganda ang pagkakadevelop at pagkakagawa nito.

" Bakit eto pinili mo? Hindi ka nakatingin "

'Yan yung last shot namin. Magkahawak ang kamay namin habang nakangiti ako sa camera at siya naman ay nakatingin sa akin.


" You look like really happy " sagot niya.

Napatingin ako sa kaniya dahil sinagot niya. Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko sa sinagot niya.

" Ilalagay ko na 'to " bigla nitong alis dala iyon habang may malawak na ngiti sa labi.

Napaisip naman ako bigla. Sobra na ba ang ginagawa kong pagtanggi sa dapat kong maramdaman sa kaniya?

-


Lumipas ang araw na kasama namin ang ama niya. Isa lang masasabi ko, kaunting tiis pa Blake. Dalawang araw na lang naman kaya mapagtyatyagaan mo pa sila.

Matapos naming kumain, diretso ako kaagad sa kuwarto namin na dapat ay tumatambay muna ako sa sala para doon manood ng tv. Hindi naman sumunod si Esquival dahil baka kausap pa ang tatay niya. Naglinis muna ako ng katawan para mawala ang inis na bumabalot sa katawan ko.

Isipin niyo, sa loob ng tatlong araw lang na pananatili nila dito, walang ginawa ang ama ni Esquival kung hindi sermunan ako. Mainit talaga dugo non sa akin.

Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Mr. Augustine na nakatingin sa larawan namin ni Esquival na kuha noong first monthsary namin.

" Do you love my son? " lingon nito sa akin.

" I trust him " pag-iiba ko ng sagot.

" Then if you don't love my son, why did you marry him? Esquival is not for you "

De lumabas rin ang totoo kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. Ayaw niya ako para sa anak niya. Kaya di talaga ako naniwala noong sinabi niya na hindi siya makikialam sa aming dalawa. Tingin palang niya sa akin nang magkita ay ramdam kong ayaw niya aki.

" Dahil ba pareho kaming lalaki kaya hindi ako para sa kaniya " pagsasabi ko ng dahilan na gusto niya talagang sabihin.

" No " sagot niya at muling tumingin sa picture namin na nakatingin lang kay Esquival. " At the young age, he know how to live by his own. One time nang sinabi niya sa akin na gusto niya ng bumukod, I immediately refused. He was only fifteen at that time. Pero alam mo ang ginawa niya, hindi niya ako sinunod dahilan para palayasin ko siya. Pero pinatunayan niya na kaya niyang panindigan ang mga sinabi niya kaya kung ano man ang nakikita mo sa kaniya, lahat ay pinaghirapan niya iyon. "

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now