Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 23

7.3K 350 53
                                    

Minamasahe ko ang batok ko dahil sa tagal ng pagkatutok ko sa harap ng monitor. Hindi ko rin namalayan ang oras kaya napasilip ako sa phone ko. Nakita ko ang text ni Esquival na kanina pa.

Baby, baka hindi na tayo makakapagsabay na mag-lunch. Mauna ka na dahil mukhang matatagalan pa ako. I love you ❤️

Nireplyan ko naman siya ng, "K"


Kanina pang 10 ang text niya, e 12 pasado na kaya siguradong hindi nga kami magsasabay. Lumabas na ako ng office para bumili ng pagkain. Mayroon namang cafeteria dito kaya hindi ko na kailangang lumabas kaso nasa first floor pa. Sumakay na ako sa lift at dumiretso na doon ngunit agad na bumungad sa akin ang mga nakaupo sa loob. They have the same suit color and style na kaiba sa suot ng mga employee dito. But, maybe ibang department sila kaya iba suot nila.


"Uy brad!" napatingin ako sa gilid ko na papalapit ang ka-intern ko dito. "Sabay na tayong maglunch. Katatapos ko lang rin sa mga ginagawa ko."

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya saka pumasok na sa loob. Dito kami dumiretso sa counter para umorder at magbayad. Pagkatapos, umupo kami dito sa bakanteng upuan.


"Dito ba sila nagtatrabaho?" tanong ko sa kasamahan ko.

"Ngayon ko lang nakita ang ganyang uniform nila. Nalibot ko na kada department pero wala akong nakita na all-black ang suit at shirt na suot." sagot niya sa akin.

Umiwas naman ako kaagad ng tingin bago pa man mapansin nila na nakatingin ako sa kanila. Inabala ko ang sarili ko sa pagce-cellphone.


"Thank you for waiting po. Here's your order" ngiting inihatid sa amin ng waiter ang order namin.

Nagsimula na kaming kumain. Nagsasalita naman ang kasama ko na ganon rin naman ako kung kailangan kong sumagot.


Click!


Napakunot ako ng noo ng may marinig akong pagshutter ng camera. Ngunit hindi ko pinansin at nagpatuloy sa pagkain baka nagkamali lang ako ng pandinig.

Click!


Padabog na akong napababa ng kutsara ko at tumayo. Lumapit ako sa isang table na may isang babae at lalaking nakaupo. Nagtatakha silang tumingin sa akin.


"Give me your camera" agad kong sabi.

Nagkatinginan silang dalawa at umiling-iling pa. "Ano bang sinasabi mo?" maang-maangan pang sabi ng babae.


"Ibibigay mo o itutusok ko 'yang tinidor na hawak mo sa mata mo" walang pag-aalinlangan kong sagot.

Tumayo naman ang kasama niyang lalaki at tinulak ako sa balikat kaya naman lumapit na ang kasamahan ko. "Bastos kang bata ka! Hindi ka ba sanay gumalang sa nakatatanda!" galit nitong sabi.

"Hindi ako gumagalang sa mga taong hindi kagalang-galang. Kaya hangga't kaya ko pang magtimpi, ibigay niyo ang camera sa akin" salita ko.

Tumawa naman ang lalaki ng sarkastiko. "Ang yabang mo naman! Akala mo kung sino ka para kuhanan ka namin ng litrato" nagpameywang pa ito sa harap ko.

Inalis ko naman ang pagkahawak ng kasama ko sa balikat ko saka naglakad patungo sa bag ng babae. Inagaw niya ito sa akin pero agad ko siyang tinulak dahilan para mapasubsob siya patagilid sa lamesa.

"Teka" may lalaking humawak sa pulsuhan ko na nakahawak sa bag ng babae.

Isa siya sa kasamahan ng mga lalaking nakatambay dito na mukhang hindi naman nagtatrabaho dito. Mas hamak na mas malaki ang katawan niya na para bang bouncer sa isang bar. Kaya agad akong pumalag pero mahigpit ang pagkakahawak niya saka inagaw sa akin ang bag.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now