Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 44

4.2K 196 24
                                    

Napahawak ako sa tenga ko ng marinig ko muli ang matinis na tunog. Napakasakit pakinggan kaya naman sinasakitan din ako ng ulo. Kapag narinig ko ito ay siguradong mawawala ang pandinig ko panandali o kaya naman hihina at muling babalik.

"Sir Blake, lahat po ng nag-request next week po for photoshoot ay nasabihan ko na po na hindi kayo available kaya mga ni-resched ko po sila. Eto po ang list."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng staff ko. It's like she's mumbling and slurring her words.

May ibinaba siya sa lamesa ko ng papel kaya kinuha ko ito. Mga dates para sa photoshoot ko a week after ng kasal namin ni Esquival. Ngayon naintindihan ko na ang sinasabi niya.

"Thank you," sagot ko na akala ko ay aalis na siya ng nagpasalamat ako. "May kailangan ka pang sabihin?" takha kong tanong.

"Ayos lang po ba kayo?" Mahina ang pagkakarinig ko sa sinabi niya pero naintindihan ko naman.

"Oo, bakit mo naman naitanong?" sagot at tanong ko na rin habang inililigpit ko ang papel na binigay niya.

Napakamot ito ng batok. "Napapansin ko po kasi na parang may iniindi po kayong sakit sa bandang kanan ng tenga at ulo niyo po." Ramdam ko ang pag-aalala sa kaniyang boses.

Ngumiti naman ako. "Sumasakit lang ang ulo ko dahil sa next week na okasyon. Don't worry, I'm fine. Ipapahinga ko lang ito, magiging okay na ako."

Tumango naman ito sa sinabi ko at hindi na nagtanong pang muli kaya lumabas na siya. Napadukdok naman ako sa lamesa ko dahil nakakaramdam ako ng hilo.

Hindi ko binanggit kay Esquival ang nararamdaman ko ngayon. Hindi naman niya ako dinala sa ospital dahil sa stone mansion kami dumiretso at ang personal doctor niya ang umasikaso sa akin. Hindi naman ako umamin sa totoo kong nararamdaman.

Ayaw kong mapurnada ang kasal namin next week. Ang tagal-tagal kong inasikaso ang lahat, halos wala akong pinapahinga sa buong linggo dahil nilalaan ko ang bakanteng oras ko sa pagpaplano ng kasal namin. Hindi ako humingi ng tulong kay Esquival hangga't maaari. Nabigyan ko na sila ng invitation last month kaya paniguradong nilaan na nila ang oras nila para sa kasal namin kaya nakakahiya kung hindi matutuloy. Ayos na ang lahat at kami na lang ang hinihintay kaya hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal namin.

Nilaan ko ang oras ko sa loob ng opisina at nagpahinga dahil ang nag-aasikaso ng ibang gawain ko ay 'yung isa pang photographer na kasama ko. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng maayos na ganito ang kondisyon ko.

"Sir Blake, ingat po kayo sa pag-uwi. Kita-kits po tayo sa kasal ninyo," nakangiting paalam sa akin ng staff ko.

Invited din sila sa kasal ko kaso mas mauna akong magli-leave sa kanila. Bale i-oopen muna nila ang studio hanggang bukas samantalang ako ay ihahanda na ang mga kailangan dalhin kung saan gaganapin. Mauuna kasi kami ng isang araw para macheck ang mga kailangan.

"Saka nga pala Sir Blake, mag-ingat po kayo. Sabi pa naman nila mas malapit daw sa kapahamakan ang mga ikakasal kaya doble ingat po kayo," pahabol na sabi ni Olivia.

"'Yan ka na naman sa pamahiin mo," kontra ni Charles.

"Sabi nga ni Lola ko, malapit daw sa aksidente ang mga ikakasal, lalo na kapag nalalapit na ang petsa," pagrarason ni Olivia.

Napaisip naman ako sa narinig ko.Hindi kaya totoo ang mga pamahiin? Ngayon na malapit na ang kasal namin, biglang may nangyari na ganito. Kailangan kong mag-ingat na talaga!

Pumunta na ako ng parking area kaso nag-aalangan akong magmaneho kaya nagdesisyon na lang akong mag-taxi. Delikado pa kung magda-drive ako, baka maaksidente pa ako habang nasa byahe.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now