Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 5

12.3K 542 58
                                    


Alas-syete na ako nagising na wala na si Mr. Esquival sa tabi ko. Ang una kong ginagawa pagnagigising ako ay ang maligo kaysa kumain muna. Matapos kong maligo, inaasahan ko na nasa sala siya ngunit wala aking nakitang Esquival.

So, nasaan siya?

May nag-doorbell naman kaya tiningnan ko muna sa video intercom kung sino iyon, isang staff ng condominium.

" Good morning Sir Blake. Breakfast po na ipinapahatid ni Mr. Garret " salita ng babae sa labas na narinig ko naman sa intercom.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at naglakad na ako. Inilapag niya ang dala niya sa dinning table.

" Bacon and eggs, french toast, omelette, and hot cappucino " sabi ng babae habang inilalapag isa-isa ang dala niya.

" Nasaan si Mr. Esquival? " tanong ko na ikinatingin niya sa akin pero agad na umiwas dahil natakot ata sa paraan ng pagtingin ko.

" Kanina pong six pa po siya umalis. Hinabilin lang po niya na dalhin ito sa inyo ng seven " sagot niya. " Saka eto pa po pala " may kinuha siya sa ilalim ng trolley na dala niya.

" Fuck! " 'yan na lang ang nabanggit ko ng iabot sa akin ng babae ang isang boquet ng rosas.

" Have a nice meal, Sir " ngiti nitong paalam.

Napapikit na lang ako ng mariin para pigilan na mainis sa umagang ito. Bakit ba niyo ako bibigyan ng bulaklak? Pampalubag niya dahil hindi niya ako tinigilang yakapin kagabi kaya hindi ako nakatulog nang maayos.

Kaysa masira pa ang araw ko, sinimulan ko ng kumain. Hinanda ko na rin ang araw ko para pumasok sa kompanya niya gamit ang kotseng binigay niya.

" Good morning " bati ko sa mga senior na nadadaanan ko. Syempre kailangan kong makisama sa kanila.

" Hindi ba siya 'yung intern sa office ni Mr. Garret? "

" Ay oo 'te. Gwapo naman that boy. May girlfriend kaya siya? "

" Kung sa department lang natin siya napunta, nakoo! Lalandiin ko na siya "

Yuck!

Nagtungo na ako kaagad sa floor kung nasaan ako. Last day ko na dito kasi every Monday and Thursday ang intern ko at kapag Friday, may isa pang klaseng ina-attend-dan ko sa school. Kaya noong nakaraan, gumawa ako ng paraan para makatakas kila Claude and Eiji dahil hanggang ngayon hindi pa ako handang sabihin sa kanila. Mabuti na lang magkakaiba-iba ang schedule naming tatlo. Ngunit sa pagkakataong ito, ramdam ko na hindi na nila ako patatakasin.

" Good morning, Blake " ngiting bati sa akin ni Secretary Min.

" Good morning rin po. Nandyan na si Mr. Esquival? " tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya. " Kayo 'di ba ang magkasama? Iyan nga rin dapat ang itatanong ko sa'yo dahil before nine ay may meeting na kami with Planning-Strategy Department "

" Wala na siya sa bahay. Baka may pinuntahan na iba " pagsasawalang-bahala ko.

Naalala ko naman ang sinabi niya kagabi na siya ang papatay sa sumugat sa kaniya. Iyon kaya ang pinuntahan niya?

" Secretary Min "

Speaking of devil, pormado na siya na pangtrabaho. Ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko.

" Nagustuhan mo ba ang bulaklak na pinadala ko? " tanong niya kaya agad kong nakita ang kinikilig na mukha ni Secretary Min.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagdiretso na sa loob kung saan kasunod ko lang siya. Umupo ako sa puwesto, ganon rin siya.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now