Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 28

5.6K 283 60
                                    

Napainit ako sa braso ko matapos kong makalabas sa huling kompanya na pagbibigyan ko ng invitation card. Wala pang kalahating araw ay natapos ko na ang dapat kong gawin kaya naman bumalik na ako sa kompanya.



Naglakad na papasok sa loob upang ipagpatuloy ko naman ang naiwan kong gawain sa office ni Esquival. Dapat i-advance ko na ang mga gawain ko dahil magsisimula na kaagad-agad ang pag-eensayo ko kasama si Esquival. Syempre excited na ako sa mga mangyayari.




"Kuya Blake!" isang sigaw ng pangalan ko ang narinig ko sa hindi kalayuan sa akin.



Papalapit sa akin ang isang babae at isang lalaki na mas matangkad sa kanila na kaagad rumehistro ang itsura nila sa akin.




Anong ginagawa nila dito?




"Tama si Kuya na dito ka makikita," ngiti kaagad sa akin ng babae.



"Bakit kayo nandito?" tanong ko na ikinapamulsa ko ng kamay ko. "Hindi ba ang sabi ko ayaw ko ng magkita tayo," dagdag ko pa.



"I really want to see you. Gusto kong magthank you personally sa pagliligtas mo sa akin," salita niya.



"I don't have any intention to help you in the first place. Si Ezra ang gustong tumulong sa'yo kaya naman tinulungan kita. Kahit namaos ka kakasigaw kung ako nakarinig sa'yo hindi kita tutulungan," prangka kong sagot.



Ngumiti lang siya. "Nah, I don't care. Basta natulungan mo na ako kaya may utang na loob na ako sa'yo. What do you want? Anything you want I will give it."



Tiningnan ko naman ang kasamahan niya na nakatingin sa akin. "Huwag na kayong magpakitang dalawa sapat na sa akin 'yon," sagot ko saka naglakad na para makaalis na sa kanila pero hinarangan ako ng babae.



"How about let's have a lunch then after this, you can't see me na. Promise!" nagtaas pa siya ng kamay ba parang nanunumpa.



Pinaningkitan ko naman siya ng mata kung nagsasabi ba siya ng totoo saka tumingin uli sa lalaki. Umiling lang ako sa sagot niya kasi bakit ako magtitiwala sa taong hindi ko kilala?Mga nakapalibot nga kay Esquival hindi ko pinagkakatiwalaan, sila pa kaya.



"Kuya, please help me. I want to have a lunch with him," rinig ko pang pangungulit niya sa kuya niya.



Kuya's girl siguro ang babaeng 'yon. Mukhang mas bata pa siya sa akin kaya ayaw ko ng isa pang alagain.



May humawak naman sa braso ko na agad akong hinarap. "Bakit hindi mo na lang tanggapin ang alok ng kapatid ko para matapos na?"



Tinanggal ko naman ang pagkakahawak niya sa akin. "Bakit hindi na lang kayo umalis ng kapatid mo para matapos na rin?" balik kong tanong sa kaniya.




Nakita ko ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. "I really want to shut your mouth so you can't talk to me back."



"Are you going to point again your gun to-- " natigil ako sa pagsasalita ng ilapat niya ang bibig niya sa bibig ko.



Mabilis ko siyang tinulak at sinuntok sa mukha. Marahas kong pinunasan ang labi ko dahil sa ginawa niya.Nakakadiri!



Akmang susuntukin ko uli siya ng may kamay na pumigil sa braso ko. Nakita ko si Gab na nakatingin sa lalaking nasa harap ko na hindi man lang naalis sa pwesto niya sa lakas ng ginawa ko.



"Ferrer, what are you doing here?" malamig na tonong ni Gab sa kaniya na marahas kong tinanggal ang pagkakahawak sa akin.



Ngumiti naman ito kay Gab. "And do you know where you are now?" dagdag na tanong pa niya.



Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now