Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 39

3.9K 203 11
                                    

Katatapos lang ng farewell party para sa aming intern. Eto na ang huling araw namin na sa kompanyang itong dahil ang huling dalawang linggo para school year ay ilalaan namin sa paghahanda sa graduation.

"We will miss everyone," saad ng mga nakasama namin sa pag-iintern dito.

Nagpasalamat kami sa kanilang lahat. Marami kaming natutunan dahil sa kanila at malaking tulong iyon kapag nagtrabaho na kami. At masaya ako na dito ako napunta.

"Pupunta daw si Sir Garret para magpaalam personally sa inyo," saad ni HR.

Tumingin naman mga kasamahan ko sa akin kaya nagtatakha ako, "Napakaswerte mo kay Sir. Hindi dahil sa mayaman siya, kung hindi dahil sa ang gwapo niya. Panalong-panalo ka na kaagad, mukha palang,"

Pilit na ngiti lang ang nasagot ko dahil wala akong maisagot sa sinabi niya. Ilang sandali lang ay dumating na si Esquival kasama si Sec. Min na mukhang galing pa sa meeting.

Nagsimula na siyang magsalita habang ako nakikinig sa kaniya. Nanigurado siya sa amin na kung sakaling mag-aapply daw kami sa kompanya niya, sisiguraduhin niyang makakapasok kami. As if naman na magtatrabaho ako sa kaniya.

"Thank you, Sir," saad nila sabay palakpak kaya pumalakpak na rin ako. Nagpaalam rin siya kaagad dahil mukhang may inaasikaso pa siya.

Matapos ang farewell party, nagtungo ako sa main office ni Esquival na nandoon na siya na may kinakausap sa telepono. Sinenyasan niya ako na umupo muna habang hinihintay siyang matapos.

"Okay." Huling banggit niya sa kausap niya bago bumaling sa akin na seryoso ang pagmukukha.

"Anong meron?" nagtatakhang tanong ko sa kaniya.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Umupo siya sa katapat kong upuan na hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa kaniyang mukha. Kinakabahan naman ako sa inaasta niya.

"Do you really want to meet, Don Milliano?" He asked.

Napayukom ako sa palad ko ng marinig ko ang pangalan na iyon sa bibig niya. Natatakot ako ngunit nangingibabaw rin ang galit ko sa taong iyon.

"Yes," sigurado kong sagot.

Kung hindi ko siya kakaharapin, kailan ko siya makakausap. I don't want to take revenge on him. I really want to know why he did that to me..for what? May mabigat ba siyang dahilan kaya niya ginawa iyon?

Huminga ng malalim si Esquival, "You will meet him this afternoon. Sasama ako sa--"

"Hindi!" agad kong tutol sa sinabi niya.

Gusto ko ring  malaman mismo kay Don Milliano kung bakit niya inililihim hanggang ngayon na anak niya si Esquival. At kung sasama siya sa akin, hindi ko maitatanong iyon.

"I will not allow you to talk to Don Milliano without me. You don't know how Don Milliano works,"  salungat niya sa sinabi ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin para mapapayag siya na hindi sumama sa akin.

"Baby, hindi mo naman siguro iniisip na makikipagkita ka sa kaniya mag-isa." May pag-aalala sa boses niya.

Tumayo ako at umupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya, "Gusto kong makipag-usap sa kaniya na kaming dalawa," pakikiusap ko.

"Meron ba dapat akong hindi malaman?" tanong niya.

Umiling ako kahit gusto kong magsabi ng totoo. Sa ngayon, magtitiwala ako kay Augustine na sasabihin nila ang totoo kay Esquival dahil may mas karapatan sila kaysa akin. Ang tanging magagawa ko lang ay makausap si Don Milliano at malaman ang totoo.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now