Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 9

9.8K 511 113
                                    

" Ano ba Esquival?! Mas mainam na kasama ko si Secretary Min kaysa kasama ka dito sa loob! " naiirita kong sigaw sa kaniya.

Pagmulat ng mata ko, nakita ko na siyang nakatitig sa akin. Hanggang sa kumain kami, nagpunta dito sa company, at hanggang sa makaupo ako dito sa dati kong puwesto. Hindi pa niya inaalis ang tingin niya sa akin na nakangiti pa sa akin.

" Baby, lets have our lunch outside " salita nito sa akin.

" For fuck sake, 9 a.m palang at kakapasok palang natin. Lunch agad ang naiisip mo "

" Hindi naman lunch ang iniisip ko, ikaw " napakunot ako ng noo sa sinabi niya. " I like the idea that I'm with you after you confess your love "

" Ha? Kailan ako nag-confess sa'yo? " tanong ko sa kaniya. Wala akong matandaan na nag-confess ako sa kaniya.

" You may not always trust the person you love but you can always love the person you trust " inulit niya ang sinabi ko kagabi.

Natahimik ako sa sinabi niya. " Subukan mo pang ulitin 'yan, tatamaan ka na talaga sa akin "

Tumawa lang siya sinabi ko bago tinuon ang pansin sa kaniyang gawain. Pero ramdam ko na naman na pasulyap-sulyap siya sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko lang kasi aakalain na sapat na sa kaniya 'yung mga ganong salita.

Ngunit ng dumating ang pananghalian, napurnada ang aming usapan dahil pinatawag kaming mga intern sa HR.  Ayaw pa nga akong papuntahin dahil siya na daw ang kakausap na exempted ako. Batukan ko nga para magtigil.

" Pasensya na lunch time ko kayo pinatawag. Medyo busy ngayon ang kompanya dahil sa darating na anniversary nito "

Nagkatinginan sila sa isa't isa samantalang ako ay nanatiling nakatingin kay Ms. HR na may inaayos na white envelope at sinusulatan ito.

" Kailan po ang anniversary ng Esquival Stone? " usisa ng isang babae.

" Next next month pa naman pero pinaghahandaan na ngayon palang dahil alam naman natin na hindi biro ang mga magiging imbitado sa araw na 'yon " sagot ni Ms. HR.

Inexplain na ni Ms. HR kung bakit kami niya pinatawag. Inabot niya sa amin ang white envelope na agad pinabukas. May nakita kaming atm card.

" Nakagawian na ng kompanya na pati ang mga nag-iintern ay binibigyan ng salary pero hindi katulad ng salary ng mga employee dito. Although na hindi ganon kalaki, pero makakatulong naman sa inyo para sa pang-araw-araw na gastusin niyo dito. 'Yang ATM na hawak niyo ay magagamit niyo sa pag-withdraw ng pera para 'di naman hustle na over-the-counter pa kayo. May laman na rin 'yan na salary niyo for one month. Ngayon palang kino-congratulate ko na kayo na nagtagal kayo dito at napakagagaling niyong lahat " paliwanag niya.

Nagpasalamat rin kami sa kaniya bago nagkaniya-kaniya ng alis. Habang naglalakad ako pabalik sa floor ni Esquival, pinagmamasdan ko ang ATM na hawak ko.

This is my first time I earned money na pinaghirapan ko although hindi naman talaga ako pinapahirapan pero pinagtrabahuhan ko naman. Ganito pala ang pakiramdam kapag kumikita na ng sarili. Ang saya lang sa pakiramdam na kaya ko ng bumali ng isang bagay na kinita ko ang pinangbili ko.

Itinago ko na ang ATM card sa wallet ko at sumakay na sa lift. Pagbukas palang ng pinto, bumungad na sa akin ang mga alipores ni Esquival na nakatingin sa akin. Sakto namang paglabas ni Esquival sa office niya habang sinisiksik ang isang baril sa tagiliran niya.

" Baby, babawi ako mamayang dinner " lapit nito sa akin at akmang hahalik pa kaya umiwas ako.

" Saan kayo pupunta? " tanong ko.

Captured by the Mafia Bossजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें