Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 32

5.3K 276 71
                                    

Kinagabihan, hindi na ako hinayaan ni Tito Ren na matulog dito kaya no choice akong umuwi sa unit namin. Pagpasok ko bukas ang ilaw sa sala kaya alam ko na nandito siya. Dumiretso ako sa kwarto namin.

Napalingon siya sa akin habang inaayos ang baril na nakasiksik sa tagiliran niya. Nagulat siya ng makita ako ngunit agad nagbago ang emosyon niya.

"Pupuntahan mo ba siya?" tanong niya.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng gamit niya. Hindi rin ito ang inaasahan ko na magiging reaksyon niya na ngayon ay umuwi na ako.

"Stay here" malamig na tugon ni Esquival sa akin.

Hindi! Wala siyang kinalaman sa problema ko. Ako dapat ang magsolusyon sa sarili kong problema.

Hindi ako nanatili sa kinatatayuan ko.Inunahan ko siyang maglakad para makalabas ng kwarto namin pero may humawak sa pulsuhan ko na kinahinto ko. Lumingon ako sa kaniya kaso hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya.

"Ano ba Esquival? Bitawan mo ko!" pagtataas ng boses ko habang kumakawala sa pagkakahawak niya.

Nandito ako para makipag-ayos ngunit mas malala pa ata ang mangyayari.

Nagulat na lamang ako ng hawakan niya ako sa braso ko at mabilis na binuhat saka inupo sa kama namin. Nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahan ang gagawin niya.

"Ano bang mahirap intindihin sa putanginang mag-stay ka sa putanginang kwarto na 'to, Blake?!"   nagtaas na siya ng boses.

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Nagulat ako dahil ngayon...ngayon lang niya ako sinigawan at napagsalitaan sa ganitong paraan. Sa tuwing may ginagawa ako na masama, magtaas man siya ng boses hindi ko ramdam ang galit dahil mas nangunguna ang pag-aalala niya. Pero ngayon...iba. Natatakot ako sa kaniya.

Tinakpan niya ang kaniyang mata samantalang ang isang kamay niya ay napakameywang. Kita ko rin ang malalim nitong paghinga.

Naglakas loob akong magsalita. " Hindi mo naman problema ang --- " pinutol niya na ang sasabihin ko.

"Fuck, Blake! Eh, ano ba ako sa buhay mo? " tumingin na ito sa akin habang turo ang sarili niya.

"Blake, I'm not just a fucking stranger in your life. I'm not just your fucking boss. I'm your fucking husband.. Your. Fucking. Husband!" nanatiling mataas ang boses nito.

Napayukom ako sa  kamay ko. "You don't understand-- " hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko.

" Fuck, Blake! Hanggang kailan kita iintindihan sa lahat ng bagay na gusto mong gawin na hindi ako kasama?! Hindi ako napapagod Blake sa pag-intindi sa'yo. Lahat na ng pagpapasensya at pag-intindi ginagawa ko para sa'yo! Pero ako..kailan mo ako iintindihin?" Ang kaninang may diin sa boses ay unti-unting bumaba ang tono.

Huminga siya ng malalim kasunod nito ang normal ng lakas ng kaniyang boses pero ang tono nito ay kaiba sa lagi kong naririnig sa kaniya.

"Blake, wala akong hinihinging kapalit sa'yo. Wala akong dinedemand sa'yo. Ni minsan hindi ako humiling na gawin mo ang bagay na ito para sa akin. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay wala akong gusto, Blake. Naghihintay lang ako na gawin mo ang isang bagay na gusto ko na hindi ko na kailangan pang sabihin o mamilit pa. Gusto ko kusa mong gawin. Lahat na ng pag-iintindi ginagawa ko para sa'yo. Saan kita hindi maintindihan?" tanong nito sa akin.

Nanatili akong tahimik. Hindi ako makasagot. Parang may humaharang sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita.

"Ginawa ko kasi hindi na ako makapaghintay na tulungan kita...and do you know what's funny? I'm just paranoid that you're going to hate me about this. You will ignore and hate me. See? I'm right, " narinig ko ang pagtawa niya.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now