Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 10

9.8K 467 98
                                    

Kakatapos lang ng klase namin kaya sinalubong kaagad ako ni Claude sa labas ng room. Patay! 'Di ko pala nasabi na hindi ko siya masasamahan ngayong araw.


" Excited na ako brad! Dala mo kotse mo? " halata sa mukha niya ang saya.

Napakamot ako ng batok kaya nakuha niya ang gusto kong iparating. Nagpapasama kasi siya sa isang car showroom dahil may nang-invite sa kaniya kaso ayaw naman niyang babae ang isama niya. Hindi rin naman pwede si Eiji dahil sa intern nito.


" May date kayo ng asawa mo? " tanong niya at nagsimula na kaming maglakad.


" Hindi ko alam. May pupuntahan daw kami pero hindi ko alam kung saan. " sagot ko. " Babawi ako sa'yo sa susunod. Bigla kasing nag-aya 'tong si Esquival "

" Ayos lang. Sanay naman akong mag-isa " napatingin ako sa kaniya kaya natawa siya kaya napailing ako.

Dito kami sa may main parking area nagtungo dahil sabi ni Esquival dito niya ako susunduin ng ihatid niya ako kanina. Dito palang sa nilalakaran namin, kita ko na kaagad siya na nakasandal sa kotse niya. Malapit siya sa may puno nag-park kaya makulimlim.



" Hi, Sir Esquival " bati ni Claude sabay saludo.

Kailan pa sila naging close? Ahh oo nga pala. Minsan na nila akong pinagtulungan na dalawa.


" Yuji, sundin mo lahat ng gusto niya " utos ni Esquival sa kasama niyang si Sir Yuji saka bumaling kay Claude. " Siya ang magiging kapalit ni Blake na dapat sasamahan ka "


" Ayos! Pwede na 'tong si Sir Yuji kaysa mag-isa ako. Mukha akong kawawa kapag ako lang " natatawang sagot ni Claude.

" Alam mo ba kung saan dapat kami pupunta? " naniningkit kong tanong. Hindi ko naman kasi nabanggit sa kaniya ang tungkol don kagabi.


" Hindi. Naisip ko lang na dalhin si Yuji para kapalit mo " sagot niya. " Sige na, aalis na kami " hawak sa akin ni Esquival.

" Babawi ako sa'yo sa susunod " paalam ko kay Claude.


Pumasok na ako sa loob ng kotse at sinuot ang seatbelt. Pinaandar na ni Esquival ang kotse.


" Saan tayo pupunta? " tanong ko. Tumingin lang siya sandali sa akin sabay ngiti pero hindi ako sinagot.

Hindi ko na lang kinulit at nagmasid sa labas ng dinaraanan namin. Ano kaya ang plano nito?

-

Oras rin ang nilaan namin bago ako nanibago sa mga dinaraanan namin. Naglalakihang mga bahay ang mga nakikita ko sa paligid. Kumpara sa amin, mas kakaunti lang ang mga kotseng dumadaan.

Lumiko kami sa isang kanto kaya naman naging mapuno ang dinaraanan namin. Eto yung tipo ng lugar kung saan makakapag-relax ka habang nasa byahe dahil sa aliwalas ng kapaligiran. Kaunting byahe pa ay huminto kami sa isang malaking gate na dulo ng kalsadang tinatahak namin.


" Kaninong bahay 'yan? " tanong ko.

" Sa atin " sagot niya at kusang nagbukas ang gate na ikinapasok ng kotse papaloob.


" Paanong sa atin? " nagtatakha kong tanong ng ihinto niya ang kotse kaya bumaling na siya ng tingin sa akin. " Imposible na eto na 'yung sinasabi mong bahay na ipinapatayo mo. Kasi hindi sapat ang isang buwan para gawin ang ganitong kalaking mansion "


Natawa naman siya. " Noon ko pa talaga 'to pinaglaanan sa taong papakasalan ko. Pina-renovate ko lang ang ilang bahagi para pumasok sa taste mo " sagot niya sa akin.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now