Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 41

4.4K 215 28
                                    

WARNING!

Some parts of this chapter are for mature audiences over 18 or above that age. The stories featured here will contain sexual content and vulgar languages. DO NOT READ THESE STORIES IF YOU ARE OFFENDED BY ANY OF THIS. Reader discretion is advised.







"Happy Birthday, Blake!" Nakangiting bati sa akin ni Mommy.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. "Thank you, Mommy. Where is Daddy?" tanong ko na saktong pagbaba naman ni Daddy mula sa taas.

"Happy Birthday, son." bati nito sa akin kaya siya naman ang binalingan ko ng yakap. "You really don't want to have a small party for your birthday. It's your twenty-first birthday, so it should be special," muling tanong ni Daddy na may panghihinayang sa boses.

Umiling naman ako. "Tinatamad na akong mag-party. Noong nakaraang birthday ni Esquival tapos 'yung graduation party ko naman. Enough party na 'yon. Masaya na ako sa mamayang gabing dinner kaya 'wag kayong mawawala," paalala ko sa kanila.

"Oo naman pupunta kami sa bahay ninyo ng asawa mo, " sabi ni Mommy na nilingon ang katabi ko.

"Magpapahatid na rin po ako dito ng isang guard para maituro ang bahay namin ng hindi po kayo maligaw," suhestyon ni Esquival na ikinapayag naman ng magulang ko.

Nakita ko naman ang nangingiting labi ni Mommy na may kalokohang ipinapahiwatig kaya bago pa man may lumabas na hindi kanais-nais sa bibig niya ay nagpaalam na ako sa kanila.

Nakapagdesisyon ako na sabay-sabay na lang kaming kumain ng dinner kaysa maghanda pa ng malaking party para sa birthday ko. Ayaw ko ng may pa-program pa at kung ano-anong pang pakulo ang maiisip. Inimbitahan ko buong pamilya ko, kaibigan ko, at pamilya ni Esquival.

"Saan nga tayo pupunta?" tanong ko ng makasakay kami uli sa sasakyan.

May pupuntahan pa kasi ni Esquival bago umuwi ng bahay. Tanging ngiti lang ang sinasagot niya sa akin kaya naman nae-excite ako kung ano 'yon. Alam ko na regalo niya para sa akin ang pupuntahan namin kaya naman nananabik na akong malaman. Ano ka 'yon? Bagong camera?...kotse kaya?..o baka naman relo?

Patuloy pa siyang nagmaneho na dinadaanan ko papuntang kompanya niya na nilagpasan naman namin. Dito kami nagparking sa mga nakahilerang mga store ng mga luxury brands ng iba't ibang gamit. Madalas dito namimili ang mga sikat na personalidad at mga mayayamang tao.

Lumabas kami pareho sa sasakyan na kaagad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming naglakad dito sa sidewalk na nilalagpasan namin ang mga luxury brand stores. Ngunit agad kaming huminto sa isang bakanteng store.

Tiningnan ko ito ngunit walang sign board or anything na pangalan para malaman ko kung anong bibilhin namin dito. Binuksan niya ang glass door kaya bumangad sa amin ang isang malawak at maaliwalas na lugar.

Tiningnan ko ang gilid ko na agad akong napamangha sa mga nakadisensyong camera na nasa gilid nito ay information desk. Meron ding receiving area na talaga namang cosy ang style.  May mga blank na picture frame ang nakadesign na hindi ko alam kung talaga bang sinadya iyon.

Napagawi ang lakad ko sa isang tinted na kwarto halos gawa sa salamin na nagbukas ang automatic glass door nito. Nakita ko kaagad ang isang photo studio na full set ang mga gamit. Agad akong napabilib sa nakita ko.

"Look at this one," biglang hila sa akin ni Esquival na hindi pa ako tapos mapangha sa nakikita ko.

Lumabas kami sa kinaroroonan naming photo studio at pinakita naman sa akin ang limang pintuan. Binuksan niya ang isa kaya nakita ko ang self-shoot studio kung saan ikaw mismo ang kukuha ng sarili mong picture at pipili ng sariling background.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now