Cᴀᴘᴛᴜʀᴇᴅ 8

9K 520 118
                                    

Pinalipas ko ang Sabado't Linggo ko sa loob lang ng kuwarto ko. Kahit sa pagkain, sa kuwarto lang rin. Walang cellphone or any communication gadgets na puwede kong gamitin para ma-contact man lang ang ibang tao.

Dahil Lunes ngayon at may intern ako, wala silang choice kung hindi ang palabasin ako dahil ayaw nilang idamay pati pag-aaral ko. Umalis ako ng bahay na walang kinakausap sa kanila. Kahit oras ng almusal ay walang nagsasalita sa amin.

Alam kong mali ako pero may sama rin ang loob sa ginawa ni Mommy sa gamit ko. Importante 'yon sa akin.

Pumasok ako sa kompanya ni Esquival at diretso agad sa floor kung nasaan ang opisina niya. Ngunit unang bumungad sa akin ang lamesang katabi ni Secretary Min dahil iyon ang ginagamit kong table. Bakit nandito sa labas?

" Blake " tawag ni Secretary Min sa akin na kakalabas lang sa main office ni Esquival.

May pag-aalala ang mukha niya kaya hindi ko alam ang nangyayari. Ginagantihan niya ba ako dahil hindi ko siya nasamahan nitong weekends tulad ng sabi ko sa kaniya.

" Good morning " bati ko na lang at walang tanong-tanong na umupo na.


Ayaw kong makipagtalo sa kaniya dahil wala ako sa mood. At kung kakausapin ko siya, alam kong mag-aaway lang kami kaya mas mainam na tumahimik muna ako.

Sinimulan ko na ang gawain ko. Tanging click lang ng keyboard ang maririnig sa puwesto namin. Gumagawa lang ako ng presentation na ibinigay ni Secretary Min sa akin.

Nagbukas namin bigla ang pinto ni Esquival kaya naman pareho kaming napatingin sa isa't isa. Siya ang unang bumitaw ng tingin at ibinaling kay Secretary Min na ngayon ay inihahanda ang mga ilang papeles. Sa tingin ko ay may meeting sila.


Naiwan akong mag-isa dito. Lumipas ang oras ng pananghalian, hindi pa rin sila dumadating. Wala rin naman akong ganang kumain kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.


Oras na ng uwian ko ng dumating sila. Saktong-sakto na nakasukbit na ako ng bag. Pumasok si Esquival sa opisina niya na hindi man lang ako tinapunan ng pansin.


" Blake, nag-away ba kayo? " tanong ni Secretary Min.


Tumango ako. Sa tingin ko nag-aaway na kami sa dahilan na hindi ko na siya binalikan nung weekends. Ayaw ko naman sabihin muna sa kaniya ang dahilan dahil labas siya sa problema ng pamilya ko.

" Mag-ayos na kayong dalawa. Huwag niyong patatagalin ang away niyong mag-asawa baka bigla ko na lang mabalitaan na hiwalay na kayo. Ibaba ang pride minsan dahil wala namang mawawala " bilin ni Secretary Min.


Tango lang ang sinagot ko. Parang wala akong buhay ngayong araw. Ayaw ko pang madagdagan ang poproblemahin ko.


" Wait lang Blake " biglang pigil ni Secretary Min habang hawak ang isang tablet bago ako makalabas. " Pumunta ka muna sa office ni Sir Garret. Pinapatawag ka "


Naglakad ako patungo sa main office niya. Pagkapasok na pagpasok ko, nakatingin siya sa akin kaagad. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahatig sa tingin niya kaya lumapit ako sa kaniya. Hindi na ako nag-abalang umupo pa.


" Anong kailangan mo? " tanong ko.


Agad kong napansin ang hawak niyang flashdrive na pamilyar sa akin. Ngunit sinawalang bahala ko na lang dahil hindi naman ang iyon ang pinag-aawayan namin.


" Do you really hate me? " napakunot ako ng noo sa tanong niya.


Hindi siya nagsalita pa ng iba. Hinihintay niya ang isasagot ko.


Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now