Special Chapters: 1

5.2K 205 41
                                    

Nakatingin lang si Blake sa kaniyang asawa na mahimbing ng natutulog sa kaniyang tabi. Araw-araw sinasabi sa kaniyang sarili kung gaano siya ka-swerte na mahalin siya ng isang katulad niya. Ngunit kasabay nito ang katanungan na laging gumugulo sa kaniyang isipan. Mahal niya pa rin ba ako?

"Good morning, love." Nakangiting bati ni Garret kay Blake ng makita siya sa hapagkainan. Kakatapos lang niyang mag-ayos para sa kaniyang trabaho ngayong araw.

"Good morning." Balik na bati naman ng kaniyang asawa ngunit nagdagdag lamang ito sa kaniyang pangambang nararamdaman. Nasaan ang baby?

Binigyan ng isang matamis na ngiti ang kaniyang asawa at itinago sa likod nito ang tunay niyang nararamdaman. Hindi niya rin gusto ang anumang nagpapabagabag ng kaniyang damdamim lalo na kung may kinalaman ito sa pagmamahal ng kaniyang asawa.

Apat taon na ang nakakalipas noong ikinasal sila. Marami na ang nagbago sa kanilang buhay at mayroon pa rin namang nananatiling ganon pa rin. Masaya ang buhay nilang mag-asawa na nagsasama sa iisang bubong kahit silang dalawa lamang. Ngunit may pagkakataon na nararamdaman na lamang ni Blake ang kaba na baka biglang magbago ang nararamdaman ni Garret sa kaniya. Siguro ay sa haba na ng panahon ng pagsasama nila ay natural lang na nakakaisip siya ng bagay na mga posibleng mangyari sa mga mag-asawa. May pagdududa sa estado ng relasyon nila at ayaw niya ang pakiramdaman na 'yon kaya kaagad niyang winawaksi sa kaniyang isipan.

"I need to go. Bye." Paalam ni Garret sa kaniya matapos maubos ang kape na kaniyang iniinom. Humalik muna ito sa labi ng sandali bago lumabas ng bahay.

Sinundan niya ng tingin ang kaniyang asawa. Hindi pa rin nagbabago ang matipuno nitong katawan. Hindi rin mababanaagan sa itsura nito na nasa mid-thirties na ang edad kaya masasabi niya na marami pa ring mahuhumaling sa kaniya kung sakali. Mas lalo pa ngang lumakas ang sex appeal ng kaniyang asawa habang tumatagal.

"Sir Blake, itatapon na po ba namin 'yung mga rosas po sa kuwarto ninyo? Lanta na po kasi." Kausap sa kaniya ng isang katulong na tumutulong sa kanila sa mga gawaing bahay.

Napaisip naman si Blake. Kailan niya ba ako huling binigyan ng rosas? Ang katanungan na dumagdag pa sa kaniyang iniisip.

"Ako na ang bahala," sagot niya.

Pumasok siya sa kwarto at huminto sa harap ng isang vase na may isang bugkos ng bulaklak na noon pang isang linggo ibinigay ni Garret at hindi siya sanay sa ganito. Isang beses sa isang linggo o mas madalas na kada susunod na araw siyang binibigyan ng kaniyang asawa ng mga bulaklak ngunit hanggang ngayon ay wala pa siyang natatanggap.

Isa kaya ito sa mga dapat kong makasanayan na wala akong matatanggap sa kaniya dahil matagal na kaming nagsasama?

Bumuga ng malalim na paghinga si Blake kasabay nito ang pag-alis niya ng mga bulaklak sa plorera. Kumuha siya ng tig-iisang piraso ng talulot at nilagay sa isang kahon kung saan nakita niya ang mas marami pang mga talulot na nabulok na. Nakagawain niyang magtabi ng nito sa bawat rosas na ibinibigay ng kaniyang asawa simula noong ikinasal sila sa ikalawang pagkakataon.

Naghanda na rin siyang mag-ayos para pumasok na sa kaniyang trabaho. Habang inaayos ang kaniyang kasuotan, hindi niya napigilan tingnan ang sarili sa salamin. May nagbago rimnsa kaniya dahil mas nagmatured ang mukha nito ngunit hindi pa rin maaalis ang katotohanan na hindi pa rin napapawi ang kagwapuhan ng kaniyang mukha. Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan ngunit mas kapansin-pansin ang pagtaba nito ng bahagya kumpara noon. Muli siyang napabuntong sa kaniyang naisip.

Hindi naman siguro siya napapangitan na sa katawan ko?

Umiling-iling siya at nagpatuloy sa ginagawa. Pagkatapos ng kaniyang pag-aayos ay bumaba na ito saka sumakay sa kaniyang kotse ngunit mas minabuti niya na lang na magpahatid sa kanilang driver. Kaagad silang nakarating sa lugar kung saan makikita ang kauna-unahang studio na iniregalo sa kaniyang asawa. Mula sa isang studio, nadagdagan ito ng marami pang branches hindi lang dito sa bansa kung hindi sa ibang bansa rin. Naging tanyag rin ang kaniyang pangalan sa larangan ng photography pati ang kaniyang negosyo. May mga parangal na rin siyang nakuha dito na hindi niya aakalain na magkakaroon siya kaya naman sobrang ikinagagalak iyon ng kaniyang puso.

Captured by the Mafia BossWhere stories live. Discover now