Chapter 30

329 28 18
                                    

Napako ako sa kinatatayuan ko.

"B-bakit..." tanong ko sa tatlong taong nasa harapan ko ngayon. Habang nililibang ko ang sarili ko at hindi makatulog sa gitna ng gabi ay dumating sila dito.

They are all crying in front of me. In reasons that I couldn't quite understand.

Akala ko ba ay galit sila sa akin?

Bakit ganito ngayon? Litong-lito ako sa mga nangyayari.

"I'm so sorry! Sorry, Nyx!" umiiyak si Clarisse na nakayakap sa akin ngayon.

Humakbang palapit sa akin si Trev at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit, pero ang ngiti niyang iyon ay nakapagpaluha sa akin.

"We're sorry for not being there with you when you needed us the most."

Tumango si Clarisse at hinarap ako, "Hindi ko alam kung paano ka kausapin, Nyx! Natatakot ako na baka sa bawat pagtingin mo sa amin ay si Railey ang maalala mo..."

My feet were still glued to the floor and I haven't moved in the slightest but my tears were flowing non-stop.

"That's right... Palaging si Railey yung nakikita ko sa inyo..."

"Sinundan ka namin noon dito sa Pampanga dahil sobrang namimiss ka na namin! Hindi namin naisip na baka kaya ka umalis ay dahil sa amin." Ericka explained.

"Y-you went here that time not to blame me?"

"We never blamed you, Nyx! No one blames you for it!" malakas na sabi ni Trev. Bumaling ako sa kanya at huminga siya nang malalim. "You should know by now that it wasn't your fault, right?"

Tumango ako. I know that now...

It is no one's fault.

Niyakap na din ako ni Ericka, "Nung nawala si Railey, nawalan kami ng kaibigan tapos nung umalis ka... pakiramdam ko ay nawalan ako ng dalawa."

"Walang lumipas na araw na hindi ko naisip kung kumusta ka na. Hindi ako makapaghintay hanggang sa dumating yung araw na magiging maayos ka na," tumigil sa pagsasalita si Ericka dahil sa labis na pag-iyak.

"Na dumating yung araw na kaya mo na kami ulit harapin nang hindi ka nasasaktan."

Trev spoke, "That night at your house, we went there to have this conversation but shit happened."

"You used to blame yourself because I lost my friend, but you didn't realize that you too, are my friend."

Kahit anong punas ko sa mga luha ko ay napapalitan lang ito nang bago at hindi mapigil ang paghikbi ko.

Pakiramdam ko ay ang pinakamalaking batong dala ko sa likuran ko ay unti-unting gumagaan.

"I'm sorry..." It is my turn to ask for forgiveness. Ilang taon ko silang iniwasan dahil naaalala ko sa kanila si Railey.

Naaalala ko na wala na si Railey bawat nakikita ko sila. Even the mere mentions of their names gave me flashbacks that I didn't want.

I despised remembering anything about them.

Pero ngayon, gusto ko nang makita sila at maalala ang masasayang araw na kasama namin si Railey. Hindi lang ang sakit. Hindi lang puro lungkot.

Masyado kong tinuon ang atensyon ko sa mga hindi magandang nangyari kahit katiting lang iyon kumpara sa mga memorya na masaya kami.

I forgot that they also remind me of how happy I used to be. Nakalimutan ko ang kung ano ang talagang importante, dahil nabulag ako sa sakit na naramdaman ko.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Where stories live. Discover now