Chapter 13

403 37 64
                                    

The sun was already setting when we decided to leave. The sky is in a hue of purple and orange, a magnificent ending to a magnificent day.

I am thankful that I decided to tag along with them. If not, I would have missed this experience with these people. Eating together at one table, laughing over the most nonsense of things. It's the simple days like this that make me thankful that I am alive and wish that he is, too.

"Saan yung reservation, Alcazar?" tanong ni Jiro sa katapat naming sasakyan habang nakababa ang mga bintana ng sasakyan.

Sumagot si Isaiah na nagmamaneho nung isa, "Sa Clark, and stop calling me Alcazar."

Jiro groaned and his shoulders dropped. "Ang layo! Pagod na ako!" reklamo niya, hindi pinansin yung pangalawang sinabi ng kausap.

"Hindi porket may namimiss mo si bestfriend-" sabi ni Isaiah na naputol dahil sinaraduhan siya ni Jiro ng bintana.

Nagpatuloy si Jiro sa nakakatawang pagrereklamo dahil halata talaga na mabigat na ang katawan niya. Tinanggal ni Ashriel ang seatbelt niya. "Arte ng asungot na 'to. Tabi dyan, ako magmamaneho." kaya bumaba si Jiro at nagpalit sila ng lugar.

Si Ryna ay natutulog at bukas ang bibig na nakasandal sa balikat ko. Kulang na lang ay maglaway siya pero hinayaan ko na dahil sobrang aktibo niya kanina at kung ako sa kaniya ay wala na rin akong lakas para dumilat man lang.

When we started hitting the road, my eyelids felt heavy and my body was aching from fatigue. Wala naman akong masyadong ginawa pero dahil na rin siguro sa mahab-habang biyahe ay tuluyan nang napagod.

Napagpasyahan ko na hindi ako matutulog nung narinig ko ang mahihina at malumanay na hilik ni Jiro mula sa passenger seat.

"Oy, bobo. Wag mo 'ko tutulugan! Aantukin ako!" sita sa kanya ng dakilang driver namin.

"Let him sleep. I'm awake naman." sabi ko sa kanya.

Ngumuso siya, "Lipat ka dito." I'm sure he'd kick Jiro out just to switch places with me if I agreed.

"Nandyan si Jiro." I stated the obvious.

"I mean, dito sa harap ko mismo." biro niya na nasundan ng mahinang tawa.

I just rolled my eyes at him. "Hindi ka inaantok? I can't see you well because of the dark." tanong niya, sinusulyapan ako sa salamin nang paulit-ulit.

"Hindi naman, I can stay awake." I lied. He opened the light above him then proceeded to look at me again. A smirk appeared on his face.

"Liar." he muttered.

"No, really. Ayos lang ako, Ashriel."

Mabilis ang takbo ng sasakyan dahil nasa expressway kami.

"Can you play some music?" tanong niya. Napapansin ko na kanina pa siya humihikab kaya nakakatakot ako na iwanan siyang mag-isang gising.

Lumapit ako at pilit na inabot ang screen sa harapan para maghanap ng kanta. Puro acoustic ang nasa playlist niya, lalo lang kaming aantukin dito.

"Dito na lang sa phone ko." Inalok niya ang phone niya na inabot ko naman.

His lockscreen is photo of me playing the guitar at the rooftop. Walang password ang phone kaya binuksan ko ito. Ang homescreen naman ay mirror selfie naming dalawa sa studio, parehong hindi nakangiti pero nakahiga siya sa hita ko habang nakaupo ako sa couch.

We stayed silent for the whole ride habang sumasabay sa kanta hanggang makarating kami sa Marriott Hotel. I think Isaiah booked rooms for us to stay in for the night.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Where stories live. Discover now