Chapter 1

1K 61 24
                                    

"Sorry, Ma'am. I'm late." I said as soon as I opened the door. Nang inangat ko ang tingin ko ay ang mga gulat na mukha ng mga kaklase ko ang bumungad sa akin. Kabado ako habang pinagmamasdan ako ng prof mula ulo hanggang paa.

"Okay, Miss Pajarillaga. You may now take your seat." Miss Coquangco said. Napabuntong hininga ako, relieved that she was in a good mood.

Ngayon lang rin naman ako nahuli sa klase kaya siguro pinagbigyan ako. Wala na rin akong balak na mangyari pa 'to ulit.

Nilalabas ko ang notebook at libro ko nang mapansin kong may kumukuha ng atensyon ko mula sa peripheral view ko.

It was Jiro. Nakangisi at thumbs up pa sa akin, proud na proud yata sa pagiging late ko. Kulang nalang ay pumalakpak siya nang malakas.

Nginitian ko lang siya at binalik ang atensyon sa klase.

Pagkatapos kasi ng nangyari kahapon ay umuwi ako agad sa dorm at hindi na pumasok sa afternoon classes ko. Dahil na rin siguro sa magdamag na pag-iisip at pagod ay nakatulog ako, dahilan ng pagiging late.

I could hardly remember what Miss Coquangco was discussing. PE pamandin yun, mahirap dahil may practical application at written tests pa. Susubukan ko nalang intindihin mag-isa.

Habang frustrated ako dahil hindi pumapasok sa isip ko ang lesson, naramdaman kong may kumalabit sa akin. It was Ryna.

"Ayos ka lang? Bigla ka kasing nawala kahapon, 'di ka namin macontact dahil wala ni isa sa amin ang may number mo."

Nakisali rin si Rain at Keann na nasa likod namin. "Oo nga, tapos wala ka pang social media? Grabe ka!"

"Hindi kasi maganda pakiramdam ko kaya umuwi ako kaagad. Sorry for worrying you, but I appreciate it." sabi ko at pilit na ngumiti.

Halatang may gusto pang sabihin si Ryna, siguro ay tungkol sa mga nakasalubong namin kahapon ngunit minabuting sarilihin nalang. I'm thankful for that. Hindi ko rin naman alam kung paano ko siya sasagutin kung sakaling magtanong.

Remembering it is one thing, retelling is another.

Lunch break na at saktong ngayong araw ay sabay ang lunch break ng iba't ibang levels, expected nang siksikan sa pinakamalapit na canteen. Ayaw ko namang lumakad papunta sa ibang canteen dahil malayo at sayang sa oras.

Pinili kong pumunta sa tambayan kong rooftop pero laking gulat ko nang may makita akong isang lalaki doon, natutulog.

Sa sobrang katahimikan ng lugar, malakas sa pandinig ang mga yapak ng paa ko kaya't nagising iyong lalaki.

Kinusot niya ang mata niya, halatang naistorbo sa pagtulog.

"I-I'm sorry, hindi ko alam na may tao dito." sabi ko, disappointed na hindi lang pala ako ang may alam ng lugar na iyon.

"It's okay. Paalis na rin naman ako." tumayo siya at ang agad kong napansin na matangkad siya. Paanong hindi ko mapapansin? Napatingala ako sakanya nang mahagip ng mata ko ang gitara na kasasabit niya lang sa balikat niya.

Lalampasan niya na sana ako pero napatigil siya nung tinuro ko yung gitara. "Do you know how to play that thing?" I asked, genuinely curious.

"Oo." sagot niya.

He stayed standing there waiting for me to continue but I didn't know how. Words seem to have left my body as he stared at me with such intensity, though I think it is natural for him. When he realized that the conversation was over, he started to walk away.

But I wanted to talk to him. Badly. Marami akong gustong itanong.

Umupo ako sa sahig at inilabas sa case ang gitara ko. Napalingon siya sa tunog na ginawa nito. "Oh, do you play?" he asked.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt