Chapter 14

391 33 31
                                    

For the past week, we went to different places around Pampanga. Akala ko ay wala nang mas igaganda pa ito, pero sa bawat lugar na pinapasyalan ay palaging ipinapamukha sa akin na mali ako.

We went to Miyamit Falls in Porac, a hidden beauty within the town. Inakyat din namin ang Mt. Arayat kung saan pagdating namin sa tuktok ay pagod na kami masyado para bumaba pa. Dumayo din talaga kami para makasakay sa 4x4 at makita nang malapitan ang crater ng Mt. Pinatubo.

All of those wouldn't be as fun if I had gone alone. Everything seemed to be so special because I had these people with me.

Dinala nga rin kami nila Isaiah sa bayan ng Paralaya kung nasaan ang hacienda nila, and we woke up very early to watch the migratory birds fly around. Pinagtinginan pa nga kami ng mga lokal dahil parang tanga kaming namamangha sa lahat ng nakikita.

Nagmistulang turista din kami sa Nayong Pilipino dahil manghang-mangha kami sa mga nakita naming mga replika ng iba't ibang mga bagay na mula sa kasaysayan ng Pilipinas. Nilibot din namin ang Clark kung saan sila nagpictorial nang ilang oras bago umalis.

A lot of good food from different eateries and restaurants. This is definitely something that I won't experience elsewhere.

Ang nakakatawa pa nga, pinag-usapan ay ililibot ako sa Pampanga pero maging sila ay namamangha parin sa mga nakita nila.

It is indeed a beautiful place.

Tonight is our last night before the new semester starts next week, which I am completely not ready for. May it be physically, mentally, or emotionally. I shook my head to refrain from thinking about anything else and just live in the moment.

This moment.

We're in a resort in a secluded place, solo namin ang buong lugar kahit na hindi naman ito private resort. Nasa labas kaming lahat habang ang ilaw lang ay ang bonfire na sinindian nila kanina.

I am sitting on a log beside Ashriel. Nikolai is playing the guitar and Ashriel is accompanying him with mine. We are singing and telling stories under the night sky. Making memories of a lifetime.


"Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan, may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay"


"Jiro! Tinatamad na ako mag barbecue, ikaw naman." reklamo ni Elyza na natandaan ko na ang pangalan sa isang buong linggo na kasama ko siya. Inaabot niya kay Kenjiro ang pamaypay na nasa kamay niya.

Patuloy naman na umiilag si Kenjiro. "Huh? Bakit hindi 'tong si Kaius, tutal siya lang naman 'yung kumakain ng lahat?"

"Hoy, anong sinabi mo? Hindi kaya." pagtatanggol ni Kaius sa sarili habang puno ang bibig at ngumunguya. Nilapitan siya ni Kenjiro at pilit na sinubuan ng ilan pang barbecue.


"Sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong"


I feel warm. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa bonfire na nasa harapan ko o dahil sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon. Nonetheless, it's a very nice and cozy feeling. It melts you from the inside out.

"Nyx, shot!" sabi ni Keann habang itinataas ang shot glass.

Inagaw 'yon ni Ashriel at ininom. "She's not yet 18."

"Joke lang boss! Goods tayo diba, Nyx?"

I gave him a thumbs up.

"See? Kaya patawarin mo na din ako. Onegai." pabiro niyang sinambit ang huling salita pero tiningnan lang siya nang masama nitong hinihingan niya ng tawad.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon