Chapter 16

357 31 31
                                    

Pagkalipas ng isang buwan ay humupa na ang usap-usapan tungkol kay Dianne at Ashriel. Everyone already moved on from it. Hindi na nila 'yun iniisip.

Lahat sila nakalimot na, maliban sa akin.

Araw-araw pa rin akong ginugulo ng mga tanong sa utak ko na matagal ko nang gustong bigyan ng sagot kung nagpakita lang siya.

All these questions would have been answered by now if only he gave me a chance to at least ask. Nakakapagod magtanong sa sarili. I just want answers and I'd accept whatever I'll receive even if it hurts me.

Basta hindi iyong ganito na mababaliw ako.

"Anong magandang regalo para sa boyfriend?" tanong ni Laureen sa amin. Nandito kami ngayon sa apartment ko, kasama si Ryna at Elyza.

Sa susunod na linggo na kasi ang Christmas party ng klase namin at binudol ako ng mga ito na mamili na ng mga ireregalo.

Binato siya ni Ryna ng wrapping paper. "Aba, malay ko! Mukha ba akong may boyfriend?"

"Evicted ka na sa samahan ng mga ibabaon ang kayamanan sa lupa!" dagdag ni Ryna, naaalala pa 'yung promise nila noong isang gabing magkakasama kami.

Napaisip ako at napangiti nang naalala ko 'yung bigay ko kay Railey dati.

"How about giving him a framed portrait of you both? I know someone whom we can commission." suhestyon ko.

Umiling si Elyza, "Hindi pa pwede kay Laureen yan, baka matakot si Marcus sa sobrang personal ng regalo at iwan siya." dahilan para hampasin siya ni Laureen.

"Hindi naman sa ganoon! Parang gusto ko muna kasi ng simple lang..." tapos ay nagbrainstorm na sila ng ireregalo niya sa boyfriend niya.

My place feels so cozy and I can really feel Christmas approaching. They convinced me to buy a Christmas tree and they even helped me set it up.

Sumasayaw ang kulay yellow na lights na nakapaikot dito at nangingibabaw sa mata ang kulay red at gold na mga poinsettia.

Gabi na at ang ilaw lang na nakabukas sa apartment ko ay ang sa kusina at ang Christmas lights. Nakagagaan ng pakiramdam. One thing that my parents heavily influenced me into is this, keeping Christmas traditions.

Though I wasn't best at keeping it the past couple of years.

Pagkatapos kong ilagay ang huling tape sa binabalot kong regalo para kay Keann na siyang monito ko sa party, agad akong tumayo mula sa sahig at humiga sa sofa.

Kumikirot ang likuran ko dahil sa tagal na pagkakaupo at kaunti na lang ay iikot na ang paningin ko nang dahil sa antok.

"Hindi ako marunong magbalot, bakit kasi hindi na lang tayo bumili ng paper bag?" reklamo ni Ryna. Sinulyapan ko ang nagagawa niya na at bahagyang natawa nang makitang puro kulubot na papel ang nasa paligid niya.

"Because it's much more personal this way. Kahit papano nalang, 'wag ka na maarte. It's the thought that counts!" Elyza even winked at her as if it's going to help her hopeless gift wrapping skills.

Last year, I didn't really celebrate Christmas... and the year before that. No holiday or birthdays were worthy of celebrating for me when I hit rock bottom.

Bago pa man ako magkaroon ng oras para makapag-isip ay agad na akong bumalik sa pakikipag-usap sa kanila.

Ayokong maiwang mag-isa dahil kapag nangyari yon ay maaalala ko na naman ang lahat... Lahat ng nangyari, pati na rin ang kasalukuyan.

Manghang mangha si Keann sa regalong ibinigay ko sa kaniya. "Grabe, magkano 'to?" tanong niya, nakaawang ang bibig.

I shrugged. "Not much."

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon