Chapter 25

348 30 50
                                    

We are now in Paralaya where the Alzacars' main house is located. Pumasok kami sa isang dambuhalang gate na mayroong emblem na ALCAZAR sa may arko nito. We passed by a vast land full of greens at ilang mansion pa ang pwedeng itayo sa lawak ng lupa.

This is a hacienda! It would probably take us forever if we roamed around the place on foot.

There are trees everywhere. Mula sa malayo ay may natatanaw akong mga palayan at mga palaisdaan tulad ng mga nakita ko sa labas ng lupain nila. Hindi na ako magugulat kung pagbaba namin sa sasakyan ay malinis at presko na hangin ang bubungad sa amin.

Tumigil kami nang makarating na kami sa isang mansion na kailangan kong tumingala para makita ang kabuoan nito. Ang mismong estruktura nito ay katulad ng mga mansion noong unang panahon pero may mga parte ito na mukhang nirenovate at nagmukhang moderno.

Nonetheless, I was amazed by it. Hindi nga biro ang yaman nila Isaiah.

May mga tauhan agad ang kumuha ng mga gamit namin para siguro dalhin sa tutuluyan naming kwarto. Kinuha ko ang gitara ko para hindi masama sa mga madadala nila.

"Nyx!" sigaw ni Ryna habang tumatakbo palapit sa amin ni Ashriel at sinalubong ako ng yakap. Mabilis ang takbo niya kaya napaatras kami nang maraming hakbang nang nayakap niya na ako.

"Grabe! Pakiramdam ko ay ten years kang nawala!" sabi pa niya kaya tinawanan siya ng mga nakasunod sa kanya. Isa-isa silang nagpakita sa paningin ko.

Nandito nga silang lahat!

Ang unang lumapit kay Ashriel ay si Ambrose na unang beses ko lang nakita na sumama sa amin. Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na siya, "Kaius."

"Kaius did what?" tanong ni Ashriel.

"Kaius dragged me here."

It's a good thing, actually. It could be more fun with him around lalo na't crush siya ni Elyza. Napatingin ako kay Laureen na ngumiting malisyoso, mukhang pareho kami ng naiisip.

"Kayo ha! Nagsasarili na kayo, pero ayos lang. Gusto ko na maging ninong!" sabi ni Kaius. I didn't even need to scold him dahil binatukan na siya ng kuya niya.

Tumawa naman si Ashriel sa sinabi ng kaibigan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

He pouted to hide his smile but he obviously is still very amused.

"Bakit nga pala kayo nandito lahat sa labas?" tanong ko sa kanila.

Itinuro ni Jiro sina Ryna, "Ayan kasing mga 'yan, inaalipin kami! Magpipicture nalang, kailangan kami pa ang kukuha."

"Walang ganitong view sa Angeles, Manzanares!" pabalang na sabi ni Ryna sa kanya. "Shocks! Rhyming! Pwede na akong poet!"

"Poet!" tawang-tawa si Kaius sa walang malisyang sinabi ni Ryna. Kakaiba talaga ito mag-isip.

"Mukha ka naman talagang po--" Tinakpan ni Nikolai ang bibig ni Kaius bago niya pa iyon matuloy. Napansin ko ang camera na nakasabit sa katawan ni Nikolai, isa siguro siya sa mga inaalipin na taga-kuha ng litrato ng mga babaeng ito.

Isaiah led the way inside for me and Ashriel. Ang iba ay mukhang masyado nang cinareer ang pagiging feel-at-home dito. 'Yung iba nga ay nauuna pa sa paglalakad kesa sa amin, saulo na ang lugar.

Habang naglalakad ay may natanaw ako na magandang dalaga na mukhang mas bata sa amin o siguro'y kasing edad lang namin, "Who is that, Kaius?"

Nang makita akong nakatingin sa kaniya ay tumakbo palayo ang babae.

"That is... someone." Sa tono pagsasalita niya ay mukhang may muntikan siyang masabing hindi dapat sabihin. I just nodded. I don't want to push it further.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Where stories live. Discover now