Chapter 29

325 29 9
                                    

Nasa bahay kami nina Ashriel dito sa Pampanga at wala kaming balak gawin ngayong araw.

Binabawi namin ang mga araw na hindi kami magkasama nung wala siya dito kaya halos hindi kami mapaghiwalay ngayon.

Pumapasok na rin siya sa school at noong unang balik niya ay nagkagulo sa building nila dahil sa dami ng tao na gusto siyang kumustahin.

It's another weekend at nanonood lang kami ng kung ano-ano sa kwarto niya. Malamig sa kwarto niya dahil nakabukas ang aircon, pinagsiksikan namin ang sarili namin sa isang sulok ng kama habang nasa ilalim ng iisang kumot.

Nakasandal ako sa kanya at komportable kaming nanonood ng isang episode ng The Big Bang Theory. "Hindi naman ganito si Ambrose pero parang magkasing-talino sila." natatawang sabi ni Ashriel.

"Nagsalita! You are intelligent yourself!" puna ko sa kanya. Hindi ko parin nakakalimutan na sinayang niya ang oras ko para turuan siya kahit mas magaling naman pala siya kaysa sa akin!

"Ambrose and I are in very different dimensions of intelligent, Lyrica."

That actually makes sense.

Kung hindi ako nagkakamali ay nafeature na sa iba't ibang articles si Ambrose dahil sa mga achievements niya.

Ashriel sighed. "It would be nice if he found someone or something to divert his attention to."

"Tigilan na nga nating pagchismisan yung kaibigan mo. Baka kanina pa siya nabibilaukan dahil sa atin."

Naistorbo ang matiwasay naming pananahimik dito nang biglang dumating ang mga kabanda ni Ashriel.

"Anong ginagawa niyo dito?" Hindi man lang sinubukan ni Ashriel na itago ang pagkadismaya niya. Kinurot ko siya. "Hi!" bati ko kila Nikolai.

Inakbayan ni Jiro si Ashriel. "Namiss ka lang namin, bawal ba 'yon?" he even wiggled his eyebrows with a devilish grin on his face. Tinulak siya ni Ashriel.

"Totoo nga..." mahinang sabi ni Nikolai at naglakad papalapit sa harap ng TV at binuksan iyon. "Tatambay lang kayo? Sa bahay ko?" napasapo sa noo niya si Ashriel.

"That seems fun!" ganadong sabi ko para mahawaan na itong nagsusungit na lalaking to.

"Okay, okay! Fine." Ashriel raised his two hands in defeat. He didn't even need to say that because Nikolai is already seated on his carpet.

Humiga si Isaiah sa sofa ni Ashriel at ngayon ko narealize na may ganitong side din pala si Isaiah na mapaglaro.

Si Jiro naman ay umupo sa may paanan ni Isaiah.

"You're ruining my time with Lyrica, you know?" paalala niya sa mga kaibigan. Jiro rolled his eyes at him. "Hindi naman kayo maghihiwalay!"

"Hindi talaga!" binato ni Ashriel sa kanya ang pinakamalapit na unan.

Pakiramdam ko tuloy ay naging babysitter ako sa bahay na 'to. Paano pa kaya kung nandito si Kaius?

They were playing games on the console so I decided to go to the kitchen and prepare something for them since it's getting late.

I grew up watching my father cook so I'm pretty confident what it comes to that.

Hindi masyadong nag-lunch si Ashriel kaninang umaga kaya sigurado akong nagugutom na siya ngayon. Nilibot ko ang paningin ko sa ref niya at nakakita ako ng shrimps doon. I asked him to buy these dahil kung hindi ko siya sinabihan na magrestock dito ay hindi siya mag-aabala pa.

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Where stories live. Discover now