Chapter 20

382 33 63
                                    

I hailed a cab to go to the cemetery where Railey is.

I feel like everything's happening too fast. Hindi ako nakakasabay. Gusto ko muna sanang magpahinga. Kung pwede lang na sa susunod nalang ako hahabol sa mga pangyayari...

By now, I'm sure that Ashriel already knows what happened. Nasabi na sa kanya lahat nina Airaleigh, and I do not want to see his reaction. He probably hates me by now.

Pagkapasok ko sa museleo na may pangalang Salvador sa labas ay may tao na doon na nagsisindi ng kandila. "Oh, ikaw pala 'yan..." mabait na ngiti ng lalaking may katandaan na.

"Manong Joseph..." bigkas ko sa pangalan niya at niyakap siya nang mahigpit. He's Railey's driver and is very close to us. Silang dalawa ni Railey ang naaksidente nang gabing iyon.

He still has scars in his face that would forever remind him of the accident.

"Oh, bakit ka naman umiiyak?" mahinhin niyang tanong nang marinig ang paghikbi ko. "Manong, kasalanan ko... yung nangyari... sainyo, kay Rai..."

Pinaupo niya ako sa isa sa mga upuan at tinabihan ako. "Ikaw lang naman ang nag-iisip nyan, ija."

Umiling ako nang paulit-ulit. "You don't understand. That night, pinilit ko na pumunta si Railey sa akin... Manong, sana hindi na lang."

"Noong umaga ng araw na 'yon, ang sabi niya sa akin sana ay masundo ko parin siya kahit gabihin siya kasi may surpresa daw siya para sa'yo..." tumigil siya at huminga nang malalim bago nagpatuloy.

"Tapos natagalan kami makadating kasi yung mga lobo na nilagay sa likod ng sasakyan ay nagsiliparan... pagkadating namin sainyo ay nakalimutan lahat ng batang 'yon ang surpresa niya nang makita na malungkot ka."

Nagpatuloy siya sa kwento niya, "Sabi niya nga nung pauwi kami noong gabing 'yon ay maaga daw kaming aalis kasi agad siyang pupunta sa'yo para mag-sorry. Natuwa ako sa kanya kasi ang bata palang niya, kaya niya nang magmahal nang ganun katindi."

My heart is swelling from the pain of knowing how much I meant to Railey and the joy that comes with the fact that I was deeply loved by him. "I didn't know, manong..."

"Dalawang taon na ang nakalipas, ija. Kinwento ko sayo kasi ganoon ka kamahal ni Railey. Nakita ko kayong lumaki magkasama at ayaw na ayaw niya na nalulungkot ka, lalo na kung dahil sa kanya."

"Paano siya matatahimik kung hanggang ngayon ay alam niyang iniiyakan mo 'yung pagkawala niya? Walang ibang ginusto iyong batang 'yon kundi ang makita kang nakangiti."

Pareho lang kaming nakatitig sa lapida ni Railey. Nilapitan ko iyon at hinawakan at bawat letrang nakaukit dito.

Hindi na rin nagtagal si manong pero bago siya umalis ay may iniwan siyang mga salita, "Kailangan mong patawarin 'yung sarili mo tulad ng paghingi mo ng tawad sa ibang tao."

Masyado nang madilim sa labas ng museleo ni Railey at wala akong tapang para umalis pa. The lights and the candles I just lit were helping me see even in the dark.

I am safe, here... kasi nandito ka. Nakaupo lang ako sa harap ng puntod niya at kinakausap siya.

"I wish that you hadn't died, Rai."

"I wish that you could have continued living..."

"I swear that you could have made a lot of people happy with your music as it did to me... I was so sure that you would grow old with me, have kids and grandchildren of our own..."

Lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luha at nababasa ang litrato niya dahil sa walang tigil na pag-agos ng mga ito. "You could have lived a lot longer... loved me greater... and I would have loved you better... as you achieve your dreams."

Laments of Broken Strings (Arte del Amor #1)Where stories live. Discover now