Kabanata 3

35.6K 1.3K 452
                                    

Kabanata 3

Hindi ko alam kung may mukhang maihaharap pa ako dahil sa nangyari kahapon. Inutusan ko ba naman ang CEO na itapon ang mga basura ko, sino ba namang hindi manghihina ro'n?

Buong buhay ko ay pulido at malinis ang reputasyon ko sa pagtatrabaho sa Navis. I am that diligent and hardworking employee. But now, I don't think I could maintain my record clean after what happened.

"What a way to give an impression, huh?" bulong ko sa sarili ko. "Ayos lang 'yon. Hindi ko naman siya makikita dahil paniguradong nasa building lang 'yon magdamag."

Kabado akong pumasok dahil baka tanggalan na ako ng trabaho dahil sa ginawa ko. Nagpapasalamat na lang ako at mukhang hindi pa dumadating si Mrs. Dela Torres.

"Grabe, saludo na ako sa'yo." natatawang puna ni Donna habang naglilinis kami. "Ikaw lang ang makakagawa no'n. Utusan ba naman ang mismong CEO, grabe Riyel, sobrang napahanga mo ako."

Napanguso ako. "Hindi ko naman kasi alam. Wala man lang nagsabi sa'kin na siya pala 'yon."

"Hindi pa ba halata sa tindig niya? Presensya niya pa lang sumisigaw na nang otoridad at kayamanan. Sa gwapong 'yon, uutusan mong magtapon ng basura?"

"Hindi niya rin naman ako sinabihan. Tinanggap niya lang 'yong mga trash bags at sinunod ako." sabi ko. "Ano sa tingin mo ang iisipin ko?"

Humalakhak siya. "Baka wala nang nagawa dahil nabigay mo na. Sana kasi tinanong mo muna."

"Tayo lang naman ang naroon sa warehouse para maglinis. Bakit ba siya napadpad do'n?"

"Nililibot siguro bawat parte ng kompanya." ngumisi siya. "Hindi siya maarte kaya mas gumwapo siya sa paningin ko. Pumunta siya sa lugar na 'yon kahit maraming kalat at dumi."

That's actually unexpected. He really personally went there to check every area. Kahit mataas ang posisyon niya sa kompanya ay talagang binigyan niya ng oras para libutin lahat maski ang mga abandonado at maruruming lugar. 

I was actually thinking that he'd remain in the building where there's not much heat. Malinis at hindi maalikabok ang parteng iyon kaya masayang lugar para pagtrabahuan. 

"Pero mukhang bata pa siya, ah. Hindi ko inaasahang siya ang magiging CEO." komento ni Donna.

Isa iyon sa mga naging rason kung bakit inisip kong trabahador siya kagaya namin. He looks young, probably the same age as me or a few years older. 

"Draisen Jonvick Velarde," may diin sa pagkakabigkas ni Donna ng pangalan na iyon. "Hindi ko alam na may anak pala na gano'n kagwapo si Mr. Velarde."

Hindi ko rin alam iyon. Ang binanggit lang ni Chelsea sa akin ay 'yong kasalukuyang humahawak ng Metal Rex na si Darius Velarde. He really wanted to have a low profile, huh. Hindi niya isinasapubliko ang tungkol sa personal na buhay niya.

"Riyel, pinapatawag ka ni Mrs. Dela Torres." lumapit sa akin ang isa sa mga kasama kong maglinis.

"Hala ka, Riyel." pabirong pananakot ni Donna sa akin. "Baka dahil iyon sa ginawa mo kahapon."

Napasimangot ako. "Hindi ko naman sinasadya 'yon."

"Goodluck na lang sa'yo." natatawang kumaway siya sa'kin kaya mas lalo lamang akong kinabahan.

Naglakad na ako patungo sa opisina ni Mrs. Dela Torres. Siya ang namumuno sa Maintenance ng Navis. Habang palapit ako ay parang nanlalambot ako. Nang nasa tapat ko na ang pintuan ay huminga muna ako ng malalim. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang puso ko.

You got this, Riyel. Just apologize and wish that you will still have your job after this.

"P-Pinatawag niyo raw po ako?" pambungad ko pagkabukas ko ng pintuan ng opisina niya.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now