Kabanata 28

29.3K 1.3K 657
                                    

Kabanata 28

I really did eat my words after what happened last night and it felt so embarrassing. Desidido ako noong una pero anong napala ko. I went towards the cliff and jumped right through it willingly.

Mukhang nakakatakot nga na umabot sa puntong mapuno ako sa sobrang galit at frustrations, nasasabi ko lahat ng iniisip ko nang walang pag-aalinlangan. And for that night, I actually straight on confess my feelings. 

Ano naman? It's mutual! I know he feels the same pero bakit...

"Good morning," pagbati ko nang pumasok ako sa sunod na araw.

He stopped looking at the papers and glanced at me. I maintained my smile because I don't want to act all awkward just because of what happened last night. Hindi lang naman ako ang mapapahiya, siya rin. 

"Morning," he greeted back then proceeded on working again.

My smile almost twitched because of annoyance. The night ended with that hug and him saying that we'd start all over again, this time for real. Wala na kaming napag-usapan pagkatapos no'n. Hinatid niya ako pauwi sa bahay at parang wala lang ulit ang nangyari.

And now this, we're acting like nothing.

Naglinis ako katulad ng palagi kong ginagawa. Medyo late ako nakapasok at hindi nakasama sa jogging dahil sobrang napuyat ako at hindi ako nakatulog. Iniiwasan ko pa ang pang-iintriga sa akin ni Chelsea dahil alam kong pagtatawanan niya ako.

After cleaning everything, there's still that deafening silence surrounding the room. Maingay kong binagsak ang walis at itinabi nang hindi ko na makayanan ang nangyayari.

I irritatedly glanced at him and went directly towards him. I slammed both my hands on his table and leaned closer to him.

Napatigil siya at napaangat ng tingin sa akin. I was still narrowing my eyes at him, waiting for a reaction but there's none. 

"Anong ginagawa mo?" lakas loob na tanong ko pa dahil hindi ko na napigilan.

He stared at me confused as to what I was talking about, but I know that he knew.

"Ano 'tong sitwasyong 'to?" dagdag ko pa.

"We're dating," he answered timidly.

"Bakit hindi ko ramdam?" 

Hindi ko alam kung anong ipinuputok ng butsi ko ngayon. Siguro ayoko nang ganito kami at hindi ko kayang mamuhay na sobrang naiilang ako sa kanya. I admitted my feelings, he also did. So what the hell is this?

He pursed his lips, probably don't know what to say. Napabuntong hininga ako nang matanto ko kung bakit ganito. 

Obviously, this is how he deals with relationship. Walang nagbago, parang gano'n pa rin. Wala siyang alam sa mga ganito at paniguradong ganito lang ang tingin niya sa pagpasok sa isang relasyon. Napayuko ako nang marealize ko 'yon. 

Ang demanding ko naman para rito, parang tanga lang. Ano bang inaasahan ko? Magpakasweet siya sa'kin at landiin ako? E sa totoo nga maaalibadbaran ako kapag may gumawa sa'kin ng gano'n.

Natigilan ako nang makaramdam ako ng mainit na halik sa may pisngi ko. Mabilis lang iyon at nanlaki ang mata ko. He was still staring at me with that blank expression.

"A-Anong..." I was shock because again, I wasn't expecting that.

"Would that greeting be enough?" he sounded unsure as he analyzed my reaction. "Or should we start it by making out right now?"

Ilang segundo akong hindi nakapagsalita sa sobrang pagkabigla. Napayuko ako at hindi ko na napigilan ang pagtawa. I was laughing out loud after absorbing what he said to me. Napaupo pa ako habang nakayuko at dinantay ang ulo sa braso ko. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon