Kabanata 7

26.7K 1.1K 504
                                    

Kabanata 7

"Charan!" masiglang sabi ko nang nilagay ang tray sa may maliit na table sa gilid.

Binaba niya ang hawak niyang papel kanina at tumayo. Naglakad siya palapit sa gawi ko at tinignan ang mga pagkain na nasa tray. Nakita ko ang kuryosidad sa mukha niya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

"You decided to let me choose your lunch because you liked the types of food I brought you before, right?" diretsahang sabi ko.

Bumaling siya ng tingin sa akin kaya ngumiti ako. Saglit lang iyon at muli siyang tumingin sa pagkain. He did not respond, instead, he sat on the couch while still eyeing the food on the tray.

Kinuha niya ang utensil sa may gilid at nakita kong nakatingin pa rin siya sa mga pinili kong pagkain. Hindi ko napigilan ang matawa. Umupo ako sa tapat niya.

"Dinuguan at Laing," sabay turo ko sa mga ulam sa tray. "Karne na niluto sa dugo ng baboy ang dinuguan. Tapos 'yong laing, dahon ng gabi na niluto sa gata na may konting sili."

Hindi siya nagsalita, hindi kalaunan ay tumusok siya ng karne doon sa dinuguan.

He tasted it, his chewing was slow like he's analyzing its taste. Hirap ako sa pagpigil ng tawa lalo na't nang bahagyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang malasahan 'yon. He looks like a kid who tasted chocolate for the first time.

"Kamusta?" tanong ko.

As expected, he nodded timidly while putting another one on his mouth. Hindi niya man sabihin ay alam kong nagustuhan niya ang mga dinala ko. Somehow I feel satisfied watching him eat eagerly.

"Eat," he suddenly said.

"Huh?"

"I said eat,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at parang hindi pa iyon naproseso sa utak ko. Iisa lang ang tray na dala ko kaya hindi ko alam kung alam niya ba ang pinagsasabi niya. He suddenly handed me the fork he's using a while ago.

"Pagkain mo 'to," 

"It's lunchtime."

"Pero pagkain mo 'to," dagdag ko para maisip niya kung ano 'yong sinabi niya kanina. "P'wede naman akong bumaba at kumain ng lunch do'n."

Hindi siya nagsalita at tinuloy lang ang pagkain niya. He was scooping the rice now with the dishes I've brought. I pursed my lips, trying to absorb the situation.

"Pero ayos lang sa'yo kung kakain ako dito?" pagbasag ko sa katahimikan. I mean, wala namang kaso sa akin 'yon, hindi ko lang inaasahan. And besides, I could use this situation to stay longer and interact with him.

"I wouldn't offer if it's not, wouldn't I?" tipid na sagot niya na hindi man lang ako tinignan at mas nakapokus ang atensyon sa mga pagkain.

"I mean hindi ka ba LC?"

I saw his brows furrowed when he glanced at me. Mukhang hindi siya pamilyar sa mga gano'ng terms.

"Laway conscious." dagdag ko agad. "Ayos lang sa'yo kung diyan din ako kakain?"

He averted his gaze and glanced at the food again, ignoring my sentiments. Mukhang walang kwenta sa kanya ang sinabi ko kaya muli na lang niya tinuloy ang kinakain ko.

"Sure, ah." paninigurado ko pa bago ako tumusok ng ulam sa tray. Kanina ko pa minamata 'to kasi gutom talaga ako. Ang sarap kaya ng mga pagkaing pinoy.

Sinubo ko na iyon at kumain na rin. We eat quietly yet I find it relaxing. Walang nagsasalita at kumakain lang kami sa iisang tray. I began introducing the street foods that I brought, pati na rin 'yong mga kakanin na binili ko.

Chasing the Void (Magnates Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon