Kabanata 20

29K 1.3K 708
                                    

Kabanata 20

I don't know what has gotten into me. I was so sure that I was annoyed and I don't like the sight of him interacting comfortably with anyone. Ilang buwan kong tiniis para mapalapit siya sa'kin tapos napakadali lang pala para sa ibang babae?

Hell no. 

We're dating for experience and I know it wasn't even a serious one. But hell, we're dating! 

Nakita kong napalingon sa akin si Draisen dahil sa ginawa ko. He has this usual blank expression of him. Hindi ko siya binalingan ng tingin habang patuloy na nagja-jogging. He was looking at me so I let go of my hold on him. 

"Kanina ko pa hinihintay na lumapit ka sa'kin, hindi mo ginawa." lakas loob na sinabi ko. We were jogging, matching each other's pace. 

"You didn't come to me."

"Inaasahan mo ako palagi 'yong lalapit? Marupok ako minsan, kailangan iparamdam ko naman sa sarili ko na maganda ako."

His brows furrowed. "What?"

Halos irapan ko siya. "Kung nakita mo naman pala ako, dapat lumapit ka."

"You don't look like you want me to." 

Umawang ang labi ko at doon na napabaling sa kanya.

Aba! Hindi marunong magbasa ng atmosphere! Nagpapabebe lang ako kanina at hinihintay ko lang talaga siya!

"Palibhasa busy ka kasi," bulong ko sabay silip saglit sa kabilang tabi niya kung nasaan 'yong babae. He followed what I was looking at before he glanced back at me. His brows furrowed a bit.

Napabaling ng tingin 'yong magandang babae sa amin. She smiled, showing her perfect set of teeth. Mukha siyang model o athlete sa tindig niya. Mas maganda pa sa malapitan kaya na-threaten ako. 

"Hi," she greeted. 

"Hi," I smiled.

"Polyxenna, by the way."

"Riyel," 

"Nice meeting you," mas lalong lumapad ang ngisi niya. Nakita kong tumingin siya kay Draisen na may makahulugang tingin. "I'll go ahead, see you."

Mas bumilis ang jogging niya at naiwan na nga kami. Halata sa built ng katawan niya na mahilig siya sa sports at mukhang sisiw lang ang mga ganitong bagay. She has a perfect face and body, like someone you'd see in a magazine. 

Tahimik kaming nagjogging ni Draisen. Hindi ko alam kung bakit naghihintay ako ng paliwanag sa kanya. Akala ko pa naman marunong na siya makiramdam kahit papaano, pero mukhang wapakels talaga 'tong isang 'to. 

I cleared my throat a bit to get his attention, but nothing happened. I coughed louder, exaggerating it a bit so he finally glanced at my direction.

"After a kilometer, there would be a water station." he explained. 

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Akala ata ay nauubo ako at kailangan ko ng tubig. Siguro kung sinipa ko siya ngayon iisipan niya ng scientific meaning iyon. Minsan nga susubukan ko gawin, nakakainis naman kasi mag-isip ang isang 'to.

Dahil sa inis ko ay binilisan ko ng bahagya ang jogging, dahil mahahaba ang binti at biyas niya ay walang kapaguran na nakahabol kaagad siya.

I jogged faster again but he quickly followed my pace. I sprinted, overtaking a lot of runners. Matagal-tagal din 'yong pagtakbo kong iyon kaya nasiguro kong hindi niya ako maabutan.

I looked back and he was nowhere to be found. Binagalan ko na at halos mag maglakad na ako, inaasahang mahahabol niya ako.

But no, I can't find him. 

Chasing the Void (Magnates Series #3)Where stories live. Discover now